Hindi na talaga maiaalis sa local politics ang pagpasok ng mga showbiz personality. Katunayan, more and more celebrities mula sa showbiz ang patuloy na pumapalaot sa larangan ng pulitika. Kahit hindi showbiz personality ang presidentiable na si Sen. Grace Poe, showbiz naman ang kanyang mga magulang, sina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces.
Si dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada ay muling tatakbo sa pagka-mayor ng Maynila sa ikalawang termino. Senado na rin ang target ng outgoing Parañaque councilor na si Alma Moreno habang ang kanyang anak kay Dolphy na si Vandolph Quizon ay siya namang tatakbo sa pagka-konsehal ng Parañaque. Muling tatakbo sa pagka-vice-governor ng Siquijor si Dingdong Avanzado, vice-governor pa rin ang tatakbuhan ni Jolo Revilla ng Cavite, vice-governor din si Daniel Fernando ng Bulacan.
Tatakbo sa kongreso ang outgoing Manila councilor na si Yul Servo at re-electionist sa pagka-congressman si Alfred Vargas para sa ika-limang distrito ng Quezon City. Tatakbo naman sa kauna-unahang pagkakataon bilang konsehal ng ika-anim na distrito ng Quezon City ang ex-girlfriend ni QC Mayor Herbert Bautista na si Tates Gana. Ang panganay na anak nina Sen. Jinggoy Estrada at Precy Vitug-Ejercito at San Juan councilor na si Janella Ejercito.
Target naman ng panganay na anak ni Joey Marquez na si Jeremy ang vice mayoralty post ng Parañaque kung saan din kandidato sa pagka-konsehal ang nakulong na si Hubert Webb. Tatakbo rin sa pagka-konsehal ng Makati sina Rico J. Puno, Jhong Hilario, at Monsour del Rosario.
Makikipagsapalaran sa pagka-senador sina Edu Manzano, Alma Moreno, Isko Moreno, at Mark Lapid. Tatakbo rin sa pagka-mayor ng Pateros ang dating beauty queen-turned politician na si Daisy Reyes. Ang singer-actress at First Lady ng Tacloban na si Kring-Kring Gonzales-Romualdez ang siyang tatakbo sa pagka-mayor ng Tacloban. Ang outgoing Batangas governor na si Vilma Santos ay susubok sa pagka-kongresista bilang kinatawan ng Lipa. Muling sasabak si Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc City kung saan naglilingkod na kongresista ang kanyang misis na si Lucy Torres.
Marami pa ang ibang kandidato para sa iba’t ibang posisyon na nagmumula sa showbiz kaya hindi na talaga puwedeng paghiwalayin ang showbiz at pulitika.
Alden at Yaya Dub seryosohan na?!
Malaking challenge ngayon sa AlDub nation at maging sa tambalan nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza kung kaya nilang punuin ang 55 thousand-seater na The Philippine Arena on October 24 dahil dito gaganapin ang longest-running noontime show na Eat Bulaga at magsisilbing grand fans day nila.
Ito na rin kaya ang tamang panahon kina Alden at Maine para lalong maging malapit sa isa’t isa? Magpalitan na kaya sila nila ng mobile numbers para sila magkatawagan at magpalitan ng text o ‘di kaya mag-facetime? Abangan!