^

PSN Showbiz

Sen. Bong dapat lang na linisin muna ang pangalan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama lang ang desisyon ni Sen. Bong Revilla na huwag na munang mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy at sa halip ay linisin na muna ang kanyang pangalan para sa susunod na humarap siya sa tao at hingin ang kanilang boto ay wala na siyang magiging problema pa.

Mga damit at gamit ng mga artista ipagbebenta

Tuloy na pala ang Celebrity Ukay Ukay ng PMPC (Philippine Movie Press Club) sa Oct. 23-24 na gaganapin mismo sa kanilang opisina sa Delta Bldg., Roces Ave. Ang kikitain dito ay gagamitin para sa pagpapagamot at kung kinakailangan ay pagpapalibing ng maraming miyembro ng Club na hindi napag­handaan ang ganitong pangangailangan.

Maraming celebrity ang nagbigay ng kanilang mga gamit, damit, at kung anu-ano pa para makatulong sa proyekto ng pangunahing grupo ng mga entertainment writers sa bansa.

Magaling kasing umarte Jiro siguradong dudumugin ng trabaho

Gusto na raw muling umarte ni Jiro Manio. Madali lang naman ito dahil kilala siyang mahusay na aktor. Siguradong marami ang mag-aalok sa kanya ng trabaho once na malaman nilang magaling na siya.

Kaya Jiro, siguruhin mong okay na okay ka na. Kung nagagawa kang pagalingin ni AiAi delas Alas at mahanap ang tatay mo, mahahanapan ka rin niya ng trabaho.

Gerald bumuo ng sariling rescue team

Pinahahanga ako nitong si Gerald Anderson. Akalain mong bumuo siya ng sarili niyang search and rescue K-9 team na tutulong sa mga pana­hong may kalamidad at emergency ang bansa?

Naalala ko tuloy na minsang nagkaro’n ng malaking baha ay isa siya sa mga tumulong.

Keep it up. Gerald, you’re one man with a good heart.

ACIRC

ANG

BONG REVILLA

CELEBRITY UKAY UKAY

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DELTA BLDG

GERALD ANDERSON

JIRO MANIO

KAYA JIRO

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB

ROCES AVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with