MANILA, Philippines – Wala na talagang masasabing ligtas na lugar ngayon.
Biyernes ng gabi nang nagpunta ako sa Baclaran Church. Pero nakaka-10 minutes pa lang ako, may babaeng nagtitili. Sobrang lakas na akala ko nga ay may nagbabarilan na.
Kaso, nasa bandang harapan ako kaya ang naisip ko na lang ay kung paano dadapa sakaling may barilan nga. Puwede siguro sa luhuran kasi at least hindi marumi.
Pero natapos agad ang pagtili ng babae. Lumipat siya sa may halos likuran ng upuan ko. Umiiyak. So naisip ko rin baka rin magamit ko ang natutunan ko sa Muay Thai. Pero on the second thought, baka may nakaaway lang si girl.
Paglabas ko na lang sa simbahan nalaman na tinutukan ng kutsilyo ang babae. Tinangkang holdapin sa loob ng simbahan.
Ang sabi ng mga saksi, mabilis naman itong nilapitan ng guard ng simbahan at nang paalis na kami, kinakausap na ang biktima ng mga security ng church.
Mas maraming tao ‘pag Martes at Miyerkules ng gabi dahil sa rami ng mga deboto sa Mother of Perpetual Help.
Nakakatakot oo, pero iisipin mo kung hindi naman naghihirap ang mga nagtangkang mangholdap sa simbahan, tiyak hindi niya gagawin ‘yun. Matatakot sila sa Diyos.
Maraming nagkalat na namamalimos sa Baclaran. Mula sa sanggol na kasama ang kanilang mga magulang hanggang sa matandang-matanda na. Ang iba naman may mga kakaibang karamdaman.
Minsan gusto mo man silang bigyan pero hindi puwedeng isa lang dahil kawawa naman ang ibang ‘di mo maabutan.
Noong nabubuhay ang Comedy King na si Dolphy, ‘pag Martes ng gabi pagkatapos niyang magdasal paglabas niya ng simbahan ay nag-aabot na siya ng pera sa mga pumipilang nanghihingi ng tulong.
May planong i-renovate ang Baclaran church at sana nga, sa mga tutulong sa pagpapagawa nito, tulungan din nila ang mga ‘taong simbahan’ na doon lang din umaasa.
Mga artistang maraming mantsa sa mukha, buking sa HD
Grabe ang HD ng ABS-CBN, pati foundation ng mga actor kitang-kita na. Sobrang linaw kasi kaya ultimo pores, hindi nakakaligtas sa HD.
Almost two weeks na since mag-HD ang Kapamilya Network kaya naman buko na ang maraming artista nila na makapal mag-foundation para takpan ang mga mantsa sa mukha.
Ibang artista ng gma nawalan ng career sa pagsikat ni Alden
Sa pagsikat nina Alden Richards at Yaya Dub, parang nawalan na rin ng career ang ibang artista ng GMA 7.
Maraming nakapansin na kahit si Dennis Trillo nang ipalabas ang pelikula niyang Felix Manalo, hindi masyadong nai-promote ng GMA. Samantalang kung tutuusin daw ay dapat na-push nang husto ang actor dahil ang galing-galing niya sa naturang pelikula na hanggang ngayon ay palabas pa rin sa ibang sinehan.
Pero talagang nakatutok daw kasi ang GMA kay Alden dahil sa kanila talaga ito.
Ang wish ng fans ng ibang Kapuso artist, sana raw ay ‘wag namang kalimutan ang iba nilang artista.