Miss Globe 2015 Ann Colis hindi siniseryoso ng publiko ang panalo

SEEN: Kanselado ngayon ang ASAP Biyaheng Cebu sa Hoops Dome dahil sa Typhoon Lando. Ipinagpaliban ng ABS-CBN sa ibang araw ang ASAP show.

SCENE: Tumigil na si Georgina Wilson sa tweets niya tungkol kay Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil nag-nega siya at pinagbintangan na gamitera.

SEEN: Evicted noong Biyernes sa PBB 737 ang Hong Kong national at model na si Richard Juan na unang nakilala nang sumali sa My ForeigNoy ng Eat Bulaga.

SCENE: Hindi sineryoso ng publiko ang Miss Globe crown and title na napanalunan ni Ann Lorraine Colis sa Canada dahil hindi sila pamilyar sa nasabing beauty pageant.

Hindi na gaanong interesado ang mga tao sa sangkatutak na international beauty pageant.

SEEN: Mapapanood ngayong gabi sa GMA 7 ang delayed telecast ng Miss World Philippines 2015 na gaganapin sa Solaire Resorts & Casino. Mga boring ang host ng pageant night ng Miss World Philippines 2015 na sina Tim Yap at Iya Villania na hindi effective na entertainment anchor ng 24 Oras.

SCENE: Nagtatampo sa ABS-CBN ang mga supporter ni Mayor Guia Gomez dahil hindi naglabas ng balita ang TV Patrol tungkol sa muling pagkandidato niya bilang alkalde ng San Juan City.

SEEN: Siya’y pinaalis, siya’y babalik ang drama ni ousted Laguna Governor ER Ejercito na nangako na babalikan ang puwesto na binawi sa kanya dahil sa overspending sa huling kampanya niya.

SCENE: Ang mga Pilipino na obsessed sa pagkandidato ni Davao City Mayor Rudy Duterte na pangulo ng Pilipinas ang overacting, hindi si Duterte na matagal nang nanindigan na hindi siya tatakbo na presidente. Pinalaki ang isyu at ginawang teleserye  na may mga twist ng mga OA na Pinoy ang pagkandidato ni Duterte.

Show comments