Wala mang kasintahan ngayon si Gerald Anderson ay masaya naman daw ang aktor sa kanyang mga ginagawa sa buhay. “You know what, in love ako with life. Because hindi natin alam baka paglabas ko I could die or bukas, or mamaya kung ano ang mangyari,” bungad ni Gerald.
Walang teleserye ngayon ang aktor at ang pelikulang Everyday I Love You kasama sina Liza Soberano at Enrique Gil ang huli niyang pelikula ngayong taon.
May ibang mga bagay na pinagkakaabalahan ngayon ang aktor. “May mga personal projects ako na gustong gawin at may mga personal movies ako na gustong i-produce. I have this search and rescue personal K-9 team para kapag nagka-earthquake at flood. Meron kaming team na tutulong sa iba. ‘Yun ang nagpapasaya sa akin. Honestly and truthfully sana maniwala kayo talaga, I’m inspired by that,” pagbabahagi ng binata.
Sampung taon na ngayon sa show business si Gerald kaya marami na rin daw natutunan ang aktor sa iba’t ibang bagay. “All this money, all this fame, all these cameras, this is all going to go away. Hindi ko naman ito madadala sa grave ko, sa hukay ko. What I’ll all leave behind is kung ano ang value na na-contribute ko sa mundo. Who are the people I helped succeed. Parang nasa stage ako ng buhay ko na, like 10 years na ako, minsan parang ito na ba ‘yun? Wala na ba akong pwedeng gawin? I have that question in my head everyday,” makahulugang pahayag ng aktor.
Nikki galing sa pamilya ng mga doctor ang bagong inspirasyon
Divorced na si Nikki Valdez sa dating asawa na isang Filipino-Canadian. Isang non-showbiz guy ang karelasyon ngayon ng aktres na nakilala sa isang event mag-iisang taon na ang nakalilipas. “May party, we met through common friends. Nag-start kaming maging friends muna, text-text. ‘Yun na, nag-start na ‘yung pagkakakilala namin sa isa’t isa. First date namin is a movie. Ever since, constant ‘yung communication, constant ‘yung going out. We do simple things together. We eat out, minsan punta siya sa bahay ko,” kwento ni Nikki.
Aprubado na rin daw ng ina ng aktres ang bagong kasintahan. “Sobrang love siya ng mommy ko. Kapag dadalaw siya sa bahay, ‘Kakain ba siya dito sa bahay?’ Kasi mag-iisip si mommy ko kung ano ang lulutuin para sa kanya. Na-meet ko na ‘yung family niya. Nakakatuwa, mababait silang lahat. Mga simpleng tao, they are a family of doctors,” pagbabahagi ni Nikki.