^

PSN Showbiz

Mayor Herbert masisiraan na ng bait kay Kris

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Malamang sa hindi, sa ginagawang pagpapalit-palit ng isip ni Kris Aquino para sa kanyang MMFF movie, baka tuluyan na itong hindi matuloy at mauwi sa wala ang mga pagpaplanong ginagawa ng Star Cinema para maisalba pa ito at wala na silang babayarang P1-M na multa.

Latest news about the film ay tuloy na naman ito. Kung meron pagpapalit na gagawin sa cast wala pang sinasabi bukod sa si Kris pa lamang ang kasama. Kung ano ang gagawin kina Richard Yap at Jodi Sta. Maria ay hindi pa malaman pero, sigurado namang maapektuhan ang mga ito kapag hindi sila natuloy sa pelikula. Ganundin ang leading man ng pelikula na si Mayor Herbert Bautista na marahil ay tulirung-tuliro na sa mga kaganapan sa pelikula. At paano sila makapagtatrabaho kung ganyang may hindi sila pagkakasundo ni Kris?  

Boss Vic hindi mabibitbit ang mga alaga sa TV5

Hindi naman siguro porke si Boss Vic del Rosario na ang namumuno ng entertainment division ng TV5 ay basta na lamang niya ililipat ang mga talents niya sa Viva sa istasyong kinaaaniban niya na may mga trabaho ngayon sa kalabang istas­yon ng TV5 tulad ng  Kapuso at Kapamilya Networks.

Bilang isang negosyante ay alam nito na hindi niya maaring basta na lamang i-pull out ang mga talent niya at ilipat sa iba tulad ng tambalan ng JaDine, Sarah Geronimo at Anne Curtis.

Sarah Lahbati susubukang magpaiyak

Mapapanood sa unang pagkakataon ang aktres na si Sarah Lahbati sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi sa kanyang natatanging pagganap sa buhay ng Bituing Walang Ningning: The Musical star na si Monica Sacay.

Unang nakilala bilang Star Power grand finalist, ganap ng bituin noon si Monica nang biglang nawala ang kislap niya sa mundo ng showbiz.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz Dela Torre, at panulat ni Ruel Montanez.

vuukle comment

ANG

ANNE CURTIS

BITUING WALANG NINGNING

BOSS VIC

HERBERT BAUTISTA

HINDI

JODI STA

KAPAMILYA NETWORKS

QUOT

SARAH LAHBATI

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with