^

PSN Showbiz

Enrique naiwan na Liza hindi na maItago ang pagkagusto kay Gerald!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nahirapan daw si Liza Soberano sa kanyang role sa pelikulang Everyday I Love You na pinagbibidahan nila nina Enrique Gil at Gerald Anderson. Bagung-bago para sa dalaga ang pagkakaroon ng dalawang leading men sa isang proyekto. “It’s my first time already having a boyfriend in a role and dalawa pa ‘yung leading men ko. So I didn’t know how to handle it at first. Ako ‘yung sanay sa nakiki-share. Ngayon may nagse-share na sa akin,” bungad ni Liza.

“It’s actually really hard kasi Enrique and I have a love team and we have Gerald coming in. I have to be able to make it even between them. There are times when I get lost because Gerald is my boyfriend in the movie. I showed too much love for him so parang naiiwan ‘yung isa,” dagdag ng aktres.

Nagpapasalamat si Liza sa ginawang pag-aalaga sa kanya ng kanilang direktor na si Mae Cruz-Alviar upang magampanan nang maayos ang role sa nasabing pelikula. “It’s kind of hard to take care of the character. Ako nahirapan ako, it’s matter of going through the script with direk’s help,” giit ng dalaga.

Ipalalabas na sa October 28 ang Everyday I Love You sa mga sinehan at excited na rin daw ang mga tagahanga na mapanood ito. “First time ko napanood ‘yung trailer with the fans pa. Ang ganda kasi ng reaction, very natural. Alam mo na excited talaga sila para dito. Kasi ‘yung bawat eksena nagre-react sila. Noong napanood ko, parang sulit lahat ng pagod at hirap,” pagtatapos niya.

Chardawn, makikipagsabayan na rin sa Kathniel at Jadine

Muling magkakatambal sina Richard Gomez at Dawn Zulueta para sa teleseryeng You’re My Home. Mapapanood ang bagong soap opera sa Primetime Bida ng Kapamilya network kaya makikipagsabayan na rin ang tambalang CharDawn sa KathNiel at JaDine na napapanood din ang mga serye tuwing gabi.

“Actually natutuwa din kami dahil parang iba naman ‘yung flavor na maihahatid ng CharDawn kung ikukumpara naman sa mga bagets. So at least may flavors naman ang audience natin,” pagbabahagi ni Dawn.

Umaasa ang aktres na muli silang susuportahan ng kanilang mga tagahanga na talaga namang walang tigil sa paghi­ling upang magkaroon muli ng proyekto ang CharDawn. “As much as possible we try to choose the projects and the material na gagawin namin pero in the end, umaasa pa rin kami sa audience na sana talaga magustuhan nila. I’m just grateful na hanggang ngayon tinatangkilik pa rin kami ng audience, na naaapektuhan pa rin sila sa amin, na gusto pa rin nila kaming makitang wor­king together, falling in love, fighting, getting back together. ‘Yun pa rin ang gusto nilang kind of roller coaster ride ‘pag nanonood sila ng shows namin o movies namin,” nakangi­ting pahayag ni Dawn.

ACIRC

ANG

DAWN ZULUETA

ENRIQUE AND I

ENRIQUE GIL

EVERYDAY I LOVE YOU

GERALD ANDERSON

LIZA SOBERANO

QUOT

RIN

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with