Hindi ikinakaila ni Maja Salvador na “boyfriend material” si Coco Martin pero hindi umano ito nanligaw sa kanya tulad ng pagkakaalam ng marami.
Kung matatandaan pa, nagkasama na dati sina Coco at Maja sa seryeng Minsan Lang Kita Iibigin in 2011 kung saan din twins ang character na ginampanan ng Teleserye King. Kambal din ang role na ginagampanan ni Coco sa Ang Probinsiyano kung saan muling magkatambal sila ni Maja.
Parehong unattached ngayon sina Coco at Maja kaya posibleng magkainlaban ang dalawa kung kanilang nanaisin na walang masasagasaan.
Samantala, marami ang nagtataka kung bakit nananatiling loveless pa rin hanggang ngayon si Coco gayung napakaganda na ng takbo ng kanyang career at estado sa buhay.
May hinihintay kaya ang Teleserye King?
Gov. Chavit may kinalaman sa pagiging business-minded ni Pacman
Ayaw pa ring kumpirmahin ng dating gobernador ng Vigan, Ilocos Sur na si Gov. Chavit Singson ang napapabalitang sila ng People’s Champ na si Manny Pacquiao ang magkasosyo sa pagbili ng majority shares ng GMA.
Ayon sa businessman-politician, while he is interested, nothing is final.
Si Manong Chavit ang dahilan kung bakit may iba’t ibang negosyo ngayon ang boxing hero-turned politician dahil tinutulungan niya si Manny na i-invest sa negosyo ang perang kinikita nito.
Ang sigurado, ayon sa dating politician ay ang pagkakaroon niya ng weekly travel and public service show na Happy Life na ipu-produce ng White Lion Productions na nakatakdang ipalabas sa GMA News TV sa susunod na buwan.
Non-committal pa rin ang businessman-politician kung sinu-sinong mga kandidato ang kanyang susuportahan pero sigurado na ang kanyang suporta sa kanyang anak na si Gov. Ryan Singson na muling kakandidato sa pagka-gobernador ng Vigan, Ilocos Sur.
Kahit ayaw ni Manong Chavit na kumandidato si Manny Pacquiao sa pagka-senador, susuportahan pa rin niya ito.
Samantala, ngayong wala na sa pulitika si Manong Chavit, mas mahaharap na nito nang husto ang napakarami niyang negosyo. Balak din nitong muling buhayin ang kanyang film production at mag-produce ng mga pelikula at na-inspire siya sa magandang reception ng publiko sa pelikulang Heneral Luna na pinagbidahan ni John Arcilla.