^

PSN Showbiz

Mga artistang kakandidato sa 2016, santambak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayong Biyernes, October 16 ang pagpa-file ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa iba’t ibang posisyon para sa 2016 national and local elections kaya marami pa ang aabangan sinu-sino pa ang hahabol up to the last minute.

May balitang kakandidato si Edu Manzano sa pagka-senador pero hindi pa sigurado kung saang partido siya aanib.

Kung matatandaan pa, si Edu ay nanilbihang vice-mayor ng Makati at bilang chairman ng Optical Media Board (OMB). Tumakbo siya sa pagka-vice president in 2013 bilang ka-tandem ni Sec. Gibo Teodoro pero hindi siya pinalad na manalo.

Malalaman na rin this week kung a­ling posisyon ang tatakbuhan ni outgoing Batangas governor Vilma Santos-Recto either sa pagka-kongresista o balik sa pagiging mayor ng Lipa City na kanyang hawak na posisyon sa loob ng siyam na taon bago siya na­ging gobernador ng Batangas.

Mukhang hindi na rin itutuloy ni Luis Manzano ang pagpasok sa pulitika at ito’y kanyang ipapaubaya na lamang sa kanyang estranged parents na sina Edu Manzano at Gov. Vilma Santos.

Samantala, muling tatakbo sa pagka-gobernador ng Laguna ang na-unseat na gobernador ng Laguna na si E.R. Ejercito habang sa pagka-mayor pa rin ng Pagsanjan ang misis niyang si Mayor Maita Ejercito.

Tatakbo rin sa pagka-mayor ng Parañaque ang panganay na anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez at tatakbo naman sa pagka-konsehal ng Parañaque ang actor na si Vandolph Quizon at sa pagka-senador naman ang target ng outgoing councilor ng Parañaque na si Alma Moreno sa ilalim ng ticket ng UNA ni Vice-President Jojo Binay.

Sa pagka-kongresista pa rin ang tatakbuhan ng actor na si Alfred Vargas sa isang distrito ng Quezon City at malamang na muling tumakbo sa pagka-mayor ng Quezon City si Herbert Bautista sa halip na pagka-senador dahil may natitira pa siyang isang termino.

Maraming iba pang personalidad ang nag-file na rin ng kanilang kandidatura.

Samantala, bakit kaya hindi na lamang muling ibalik ang two-party system tulad ng dati (Liberal at Nacionalista Party) para nasasala ang lahat ng mga kandidato at hindi kung sinu-sino na lamang ang mag-aambisyong tumakbo kahit hindi sila kuwalipikado sa posisyon na inaasam.

Ex-Gov. Chavit nanghihinayang sa mga kikitain pa sana ni Manny sa pagbo-boxing

Sigurado na rin ang pagtakbo sa pagka-senador ng kinatawan ng Sarangani na si Rep. Manny Paquiao kahit marami ang umaayaw na ito’y tumakbo sa mas mataas na posisyon. Ayon sa balita, huling laban na umano ni Manny ang kanyang next fight at hihinto na ito sa pagbu-boxing at magpu-focus na lamang siya sa kanyang pagka-senador sakaling mahalal.

Kung ang dating gobernador ng Vigan at malapit na kaibigan ni Manny na si Gov. Chavit Singson ang masusunod, ayaw niyang tumakbo sa pagka-senador ngayon si Pacman dahil nanghihinayang ito sa boxing career ng boxer-politician.

“He still has a good number of years sa kanyang boxing career kung magpu-focus lamang siya rito. Pero ang problema, hindi siya makatanggi sa mga taong lumalapit sa kanya,” pahayag ni Gov. Chavit na siya ring tumutulong kay Pacman sa pagtatayo ng iba’t ibang negosyo.

“Kung focused lamang si Manny sa kanyang boxing career at walang ibang nakaka-distract, I don’t see any reason kung bakit siya matatalo,” paliwanag pa ng dating politician.

Si Gov. Chavit Singson ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang pag­hihiwalay noon ng mag-asawang Manny at Jinkee dahil sa rami ng bisyo noon ng People’s Champ at kasama na rito ang sugal at pambababae. Naging born-again Christian si Manny at napaka-loyal na nito sa kanyang misis na si Jinkee.

“Ang problema lamang kay Manny, ipinagtapat niya lahat,” natatawang kuwento ni Gov. Chavit Singson sa mga dumayong entertainment writers sa kanyang Baluarte sa Vigan, Ilocos Sur.

Speaking of Gov. Chavit Singson, hindi pa rin namin ma-get over ang a­ming memorable experience sa aming overnight stay sa Baluarte na pag-aari mismo ng dating gobernador ng Vigan dahil sa VIP treatment accorded to us. Mula sa accommodation, sa panonood ng animal show ng mga wild animals na nahawakan ng ilan sa aming mga kasamahan, sa pamamasyal sa Safari Gallery sa loob mismo ng Baluarte, sa aming masarap na pananghalian sa Pakbet Farm kung saan namin nakadaupang palad si Gov. Ryan Singson (anak ni Gov. Chavit) at Mayor Germy Singson-Goulard, sa pamamasyal at pagsa-shopping sa buong stretch ng Heritage area ng mga souvenir items, sa ibang mga historical places ng Vigan, sa magical dan­cing fountain sa Plaza Salcedo na regalo ni dating Gov. Chavit sa kanyang mga kababayan sa Vigan at maging sa mga turista na dumarayo sa lugar at sa aming masarap na hapunan sa Calle Crisologo with matching tsikahan at tawanan  with the former governor.

Hanggang ngayon ay ramdam pa rin namin ang saya ng aming Vigan trip experience.

Maraming salamat po, Manong Chavit.

Hanggang sa muli.

ACIRC

ANG

CHAVIT

CHAVIT SINGSON

GOV

HINDI

KANYANG

KUNG

MGA

PAGKA

VIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with