Edu hindi na mapipigilan sa pagse-senador
Wala nang makapipigil pa para magbago ang isip ni Edu Manzano na sure na ang pagkandidato sa pagka-senador sa eleksyon sa susunod na taon.
Hindi pa nagsasalita si Edu tungkol sa kanyang political plans kaya marami ang naghihintay sa pahayag niya.
Ang akala kasi, wala nang plano si Edu na pasukin ang mundo ng pulitika dahil kuntento na siya ngayon sa kanyang buhay kaya marami ang nagulat sa pasya niya na tumakbo sa 2016 elections.
To be fair, malawak ang karanasan ni Edu sa public service dahil nagsilbi siya noon bilang Vice Mayor ng Makati City at chairman ng Optical Media Board (OMB).
One of these days, siguradong magpapainterbyu si Edu tungkol sa kanyang senatorial bid. Baka hinihintay lamang niya ang resulta ng pag-uusap nila ng mga opisyal ng political party na kanyang sasalihan.
Mga panggulo sa pagkapangulo hindi na dapat pinapatulan ng mga reporter
Nakakapanghilakbot ang mga nameless na nag-file ng kanilang mga certificate of candidacy noong Lunes para sa presidential race sa eleksyon sa susunod na taon.
Pero wala tayong magagawa dahil karapatan ng kahit sino na kumandidato, kahit sure naman na idedeklara sila ng COMELEC na nuisance candidates.
Mga gustong magpapansin, mapag-usapan, at mapanood sa TV ang mga hindi qualified na kandidato na bahagi ng circus sa eleksyon sa Pilipinas kaya hindi na sila dapat pinapatulan ng mga television news reporter.
Sen. Chiz at Heart hinihintay na sa COMELEC
Naghain na ng kandidatura kahapon sa COMELEC si Senator Bongbong Marcos na kakandidatong Vice President sa eleksyon sa 2016.
Kasama ni Papa Bongbong sa paghahain ng certificate of candidacy ang kanyang misis na si Liza at ang nanay niya, si former First Lady Imelda Marcos.
Bago nagpunta sa COMELEC, humingi muna si Papa Bongbong ng basbas mula sa isang pari.
Si Papa Bongbong ang mahigpit na makakalaban ni Senator Chiz Escudero sa Vice Presidential race sa susunod na taon.
Hinihintay na rin ang pagpunta ni Papa Chiz at ng misis nito na si Heart Evangelista sa COMELEC para sa filing ng kanyang certificate of candidacy.
Siguradong pag-iinitan ng fans nila ni Yaya Dub GMA nahihirapan ihanap ng kapareha si Alden
Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ni Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Tatlong buwan pa lang si Maine sa Eat Bulaga pero nakagawa na agad siya ng apat na TV commercials at malaki ang tsansa na madagdagan pa ito dahil sa phenomenal success ng loveteam nila ni Alden Richards.
Hindi naman nagpatalbog si Alden kay Yaya Dub dahil nakalinya na ang mga TV commercial na gagawin niya at halos hindi na siya natutulog dahil sa sangkatutak na showbiz commitments.
Hindi pa talaga matutuloy ang teleserye ng GMA 7 para kay Alden dahil nahihirapan ang Kapuso Network na maghanap ng aktres na ipapareha sa kanya. Magiging kawawa ang sinuman na itatambal kay Alden dahil tiyak na pagseselosan siya ng fans ng AlDub.
Bubble Gang mas nagtagal sa Startalk
Pinaghahandaan ng Bubble Gang stars and staff ang kanilang 20th anniversary celebration sa November 2015.
Invited sa bonggang show ng Bubble Gang ang past cast members ng number one gag show ng Pilipinas.
Halos magkasunod na nagsimula noong 1995 ang Startalk at ang Bubble Gang. Parehong successful ang mga programa pero naunang mag-babu ang Startalk na pinalitan ng CelebriTV.
- Latest