Xian at Jessy napiling brand ambassadors ng pinakabagong VOD service sa Asya
MANILA, Philippines - Inihahandog ng pinakamalaking video-on-demand service sa Asya na HOOQ ang critically acclaimed American crime-drama na Gotham na pinakabagong dagdag sa kanilang malaking collection ng pelikula at TV shows. Pinagbibidahan ang Gotham nina Ben McKenzie ng The OC bilang ang batang James Gordon sa crime-riddled metropolis ng Gotham City. Tampok din sa nasabing palabas sina Robin Lord Taylor mula sa Law & Order, Donal Logue ng Sons of Anarchy, at si Jada Pinkett Smith mula sa Hawthorne.
Sa kasalukuyan, may higit sa 30,000 oras ng palabas ang mapapanood sa HOOQ kasama na ang libu-libong Hollywood films, at mga Pinoy movies at series mula sa ABS-CBN, GMA 7, Star Cinema, Regal Entertainment, at Viva Communications.
Sina Xian Lim at Jessy Mendiola ang kanilang opisyal na brand ambassadors.
Unang ini-launch sa Pilipinas ng Singtel, Sony Pictures Television, at Warner Bros. Entertainment noong nakaraang Marso at sumunod na sa Thailand at India. Bukod sa content mula sa partners nilang Sony at Warner Bros., may mga pelikula at series din mula sa Miramax, Disney, Captive Media, at DreamWorks Classic Media.
Ang app ay compatible sa Android at iOS. Maaaring i-download ang app sa Google Play o Apple App Store para sa inyong mga portable devices at puwede rin mag-log on sa www.HOOQ.tv sa inyong computer para ma-access ang kanilang library.
- Latest