Fake na fake ang video na kumakalat at nagpapakita na tumutungga ng alak at nambubugbog ng kasambahay si Senator Grace Poe.
Obvious na kagagawan ng political detractors ni Mama Grace ang video na poorly edited at pinagtatawanan ng mga nakakapanood.
Nagpagod at nagsayang lang ng panahon ang gumawa ng video na may motibo na siraan si Mama Grace dahil pekeng-peke ang video. Halatang walang budget!
Lumabas kahapon ang fake video na itinaon sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa 2016 elections.
Bigo ang promoter ng video dahil walang naniniwala na lasengga at umbagera si Mama Grace na nag-deny na noon nang unang kumalat ang isyu.
Matatalino na ang mga Pinoy. Hindi na sila basta-basta naniniwala sa mga tsismis at paninira, lalo na kung palpak ang video ng mga paninira kay Mama Grace.
Tatay ni Alden hindi nakikisawsaw sa kasikatan ng anak
Never na sumama sa mga showbiz commitment ni Alden Richards ang kanyang fadir na si Richard Faulkerson, Sr.
May usapan ang mag-ama na puwedeng maging active si Faulkerson, Sr. sa social media pero hanggang doon lang ang interaction niya sa fans ng kanyang sikat na anak.
Sosyal ang fadir ni Alden dahil daan-daang libo na ang bilang ng followers niya sa social media.
Aliw na aliw sa kanya ang fans ni Alden dahil marunong siya na mag-appreciate sa mga suporta sa anak niya.
May ugali pala ang pamilya ni Alden na sama-sama sila na nagsisimba at kumakain sa labas tuwing Linggo pero hindi na nakaka-join ang aktor mula nang maging super hectic ang schedule niya.
Alam ng tatay ni Alden kung saan siya lulugar. Hindi siya kagaya ng ibang mga magulang ng mga artista na stage parents at pumapatol o nakikipagtarayan sa fans ng kanilang mga anak.
Felix Manalo malapit na ring mapanood sa U.S.
Kasado na ang showing sa U.S. Theaters ng epic movie ng Viva Films, ang Felix Manalo.
Inip na inip na ang mga Pinoy sa Amerika dahil gustong-gusto na nila na mapanood ang isinapelikula na life story ni Ka Felix dahil sa good reviews na kanilang nababasa.
Sandali na lamang ang ipaghihintay ng mga Pinoy sa Amerika dahil sigurado nang ipalalabas sa October 30 sa selected U.S. cinemas ang Felix Manalo.
Maraming natutunan tungkol sa mga relihiyon at Bibliya ang mga nanood ng Felix Manalo dahil well-researched ang kuwento ng pelikula. Nalaman din nila na “Felez” pala ang tawag noon kay Ka Felix.
Dennis inaabangan na rin ng fans sa Amerika
Inaayos na ang schedule ni Dennis Trillo para makadalo siya sa screening ng Felix Manalo sa Amerika.
Hinihintay ng mga Pinoy sa U.S. ang pagdating ni Dennis na pinupuri ang acting sa Felix Manalo. Nagkakaisa ang marami sa opinyon na malaki ang tsansa na mag-win si Dennis ng acting award sa susunod na taon dahil sa makatotohanan na pagbibigay-buhay niya sa katauhan ni Ka Felix.