Malaking-malaki raw ang pinag-iba ng pananaw ni Cristine Reyes sa buhay mula nang magkaroon siya ng anak. Nakatakda na ring magpakasal ang aktres sa kasintahang si Ali Khatibi para sa kanilang anak na si Amara.
Hinding-hindi raw makalilimutan ng magkasintahan kung paano nag-propose ng kasal kay Cristine si Ali. “Parang we were just talking. Parang spur of the moment lang po talaga but it was very personal, very intimate. It was just the both of us. I didn’t even have the ring with me that time. So talagang we’re just really bonding,” kwento ni Ali.
“Tuwang-tuwa ako na nag-sink in talaga siya sa akin the next day. Morning hanggang gabi yata umiiyak ako,” nakangiting pahayag naman ni Cristine.
Magiging bahagi ang aktres ng teleseryeng Tubig at Langis. Ngayong nagbabalik si Cristine sa telebisyon ay hindi naman daw pinagbabawalan ng kasintahan na muling tumanggap ng sexy roles ang aktres. “That’s entirely her choice po if she wants to do it or not. Kasi I don’t want to be the one na parang dictating. That’s really her call po,” pagtatapat ni Ali.
“I’m very vocal naman po, even before na parang I’m not really comfortable anymore doing what I do before,” giit pa ni Cristine.
Edgar Allan ibinibigay ang lahat kay Julia
Hindi inakala ni Edgar Allan Guzman na papatok sa mga tagahanga ang tambalan nila ni Julia Montes. Magkapareha ang dalawa sa teleseryeng Doble Kara. “Actually noong una nga kinabahan ako kasi Julia Montes. Ang mga leading man ni Julia before si Coco (Martin), ang dami. So ako ‘yung sumunod so sabi ko, ‘Wow! Pressure.’ So ako sinabi ko na kay Julia, ibibigay ko na ang lahat. Ibibigay ko na kung ano ang kaya kong gawin, kung ano ‘yung nararapat, kung ano ‘yung hinihingi ng aksena,” bungad ni Edgar Allan.
Pinagbubuti raw ng binata ang bawat eksenang ginagawa nila ni Julia. Kailangan din daw niyang suklian ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Kapamilya network. “Talagang tutok ako sa character ko. Kumbaga, ito na ‘yung hinihintay ko eh. Ito na ‘yung hinihintay ko na break na ibinigay sa akin ng Kapamilya network. Pinagtutuunan ko ng pansin, talagang nagpo-focus everytime na dumarating ako sa set,” pahayag ng aktor.
Posible kayang magkaroon ng espesyal na ugnayan sina Edgar Allan at Julia lalo pa’t halos araw-araw silang magkasama sa trabaho? “Pwede kasi hindi naman mahirap magkagusto kay Julia Montes eh. Kasi napakabait na tao, napakaganda at ‘yung attitude niya rin towards work sobrang kahanga-hanga rin, very professional at ang galing. Sobrang galing niya,” pagtatapat ng binata.