Magsisimula na si Sarah Lahbati sa kanyang kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN. Makakasama ng aktres sa Written in Our Stars sina Toni Gonzaga, Jolina Magdangal, Sam Milby, at Piolo Pascual. “Hindi pa kami nag-uumpisa. I’m excited of course. I’m working with amazing actors for the first time. But they’re all talented and amazing actors. So I’m very, very excited for that,” nakangiting pahayag ni Sarah.
Lumabas na sa maraming programa ng ABS-CBN si Sarah kaya marami ang nagtatanong sa aktres kung certified Kapamilya na rin siya. “Hopefully, hopefully maging confirmed na very soon. Ayoko lang magsalita ng hindi pa tapos. Abangan n’yo na lang,” pagtatapos ni Sarah.
Samantala, maging si Piolo ay excited na raw na makatrabaho ang aktres sa kauna-unahang pagkakataon. “I’m so excited to work with her because ang sarap niyang panooring magsayaw (sa ASAP 20). Ang bait niya at saka magaan,” bungad ni Piolo.
Kaibigan daw ng aktor sina Richard (partner ni Sarah), Raymond, at Ruffa Gutierrez. “Nakasama ko siya before sa Malaysia, so okay naman. We are friends with Richard, Raymond, and Ruffa. I’m excited to work with her,” dagdag pa ni Piolo.
Sam iniengganyong lumipat na sa ABS-CBN si Jasmine
Bukod sa pagiging contestant ng Your Face Sounds Familiar ay abala na rin ngayon si Sam Concepcion sa teleseryeng You’re My Home na pinagbibidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. “It’s my first time to be working with Ms. Dawn and Sir Richard. Ako rito si Ram, isa siyang law student, anak ng isang accomplished at respected na lawyer and politician (Richard). Pero ako, hindi ako kasing bright o kasing galing ng father ko. ‘Yon ‘yung pinaka-issue niya, siyempre na hindi niya ma-meet ‘yung expectations ng father niya na gusto niya siyempre maging successful,” pagbabahagi ni Sam.
Samantala, may mga bulung-bulungan na lilipat na rin diumano sa Kapamilya network ang dating kasintahan ng binata na si Jasmine Curtis Smith. Naniniwala raw si Sam na mas mapapabuti ang career ng dalaga kung makalilipat sa ABS-CBN. “Siguro I think that would be good. Siyempre sa ngayon she’s busy pero I think they will be able to utilize her dito rin and I think it will be good for her,” giit ni Sam.
Wala kayang problema sa aktor kung sakaling magkasamang muli sila ni Jasmine sa isang proyekto? “I would love to work with her. She’s a great actress. We still are very much friends,” sagot ni Sam.