Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza nag-disguise para makanood ng concert

Nag-disguise si Maine Mendoza para makanood ng concert ng Lifehouse. Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines – Usap-usapan ngayon ang pag-disguise si Maine Mendoza alyas “Yaya Dub” para makanood ng concert at upang hindi pagkaguluhan.

Nagtungo si Maine sa concert ng international band Lifehouse Huwebes ng gabi sa Mall of Asia Arena na naka-“Corazon” look ng “Marimar.”

Naka-salamin at maitim ang balat ni Maine ngunit napansin din ng iba pang nanoood dahil sa mga nakapaligid na ring bodyguards.

Sinabi naman ni Maine sa kaniyang Twitter account na masaya siya na may kakaibang gawin sa kaniyang buhay.

“Sometimes it feels good to do something unusual and craaaazy.. Hahaha I had fun!!!”

Show comments