^

PSN Showbiz

Gilas Pilipinas naghari sa TV ratings, mahigit 4 million kabahayan ang tumutok

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi man nakuha ng Gilas Pilipinas ang pana­lo laban sa koponan ng China sa nakaraang FIBA Asia Championship Finals noong Sabado, ika-3 ng Oktubre, naghari naman ang laro  nito sa TV ra­tings. Nanguna ito sa 9:00-10:00PM timeslot base sa pinakamaraming nanood ayon sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ng AGB Nielsen. Pumalo ito sa 32.4 % audience share sa National Urban Philippines; 33.6 % sa Mega Manila, 36% para sa Urban Metro Manila at 31.4% sa Urban Luzon.

Bilang “basketball country”, milyun-milyong fans ang tumutok at nanood sa maituturing na pina­ka-inabangang laban ng FIBA Asia Champion­ship Finals na live na napanood sa TV5.  Ayon sa AMR data ng AGB Nielsen, nasa 4,277,944 na kabaha­yan ang tumutok sa naturang laro ng Gilas Pilipinas laban sa China.

Ikinadismaya ng maraming Pinoy ang naging resulta ng laro pero kitang-kita naman ang suporta ng mga ito para sa koponan ng Pilipinas. Nasa 1.2M total livestream views ang 2015 FIBA Asia Championship sa Sports5ph at Sports5 Youtube channel simula September 23 – October 3.

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPION

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA CHAMPIONSHIP FINALS

GILAS PILIPINAS

MEGA MANILA

NATIONAL URBAN PHILIPPINES

NATIONAL URBAN TELEVISION AUDIENCE MEASUREMENT

URBAN LUZON

URBAN METRO MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with