Kris nag-e-effort na magbenta ng kanyang pelikula

Bentahe talaga ng isang pelikula si Kris Aquino. Kahit hindi siya at iba ang prodyuser, ganun pa rin ang pagpapahalaga at tulong na ginagawa niya para masiguro na marami ang manonood ng movie niya.

Kaya naman bibihira, kung meron man siyang movie na sumemplang sa takilya

Ken magiging babae na

Hindi lang ang pagkilos na parang babae ang pinagkaabalahan ni Ken Chan bago niya simulan ang Destiny Rose. Tinuruan din siya para makagalaw ng parang isang beauty queen na kailangan niya sa serye.

Isang pinakaaabangan ng lahat sa kanyang serye ay kung magiging bakla lamang ba siya o isang ganap na babae.

Career ni Billy nakabangon na

Lubos nang nabawi ni Billy Crawford ang paghanga ng marami sa kanya bilang isang TV host. Lately kasi, mukhang hindi nakikita ng marami ang pagiging isang mahusay niyang host.

Buti na lang at dumating ang Your Face Sounds Familiar na sinundan ng Celebrity Playtime kung saan ay pareho siyang pinapupurihan sa maganda niyang trabaho.

Sa pagsasama nila ni Luis Manzano sa ilang mga programa ay palagi na lamang siyang No. 2. Pero nagbago ang ihip ng hangin at sa dalawa niyang solong programa ay nag-level up na siya sa anak ng gobernadora at unang natuwa sa kanyang magandang suwerte ay si Luis.

Show comments