Second week na kasi pelikula nina Kris at Kim wala pang sampu ang bumili ng ticket

Felix Manalo winasak ang box-office record, 400 na sinehan maaga nang magbubukas

SEEN: Ang reklamo ng mga manonood ng Etiquette for Mistresses sa isang sinehan ng Ali Mall dahil sa patakaran ng management na hindi itutuloy ang screening ng pelikula kapag wala pang sampu ang bilang ng mga bumili ng tickets. Hindi natuloy ang kanilang panonood sa pelikulang pinagbibidahan nina Kris Aquino, Kim Chiu, Claudine Barretto, Iza Calzado, at Cheena Crab dahil hindi umabot sa sampu ang ticket buyers.

SCENE: Nakadagdag sa box-office gross ng Etiquette for Mistresses ang mga block screening na dinaluhan ng mga lead star ng pelikula.

SEEN: Spotted sa prusisyon sa apparition site sa Lourdes, France si ABS-CBN President Charo Santos-Concio na nakatakdang bumaba mula sa kanyang posisyon ngayong buwan.

SCENE: Flying High mula sa lyrics ng On The Wings of Love ang title ng concert ni Kyla sa KIA Theater sa November 20. Si Kyla ang kumanta ng theme song ng On The Wings of Love, ang teleserye nina Nadine Lustre at James Reid.

SEEN: Nainip ang mga dumalo sa opening night ng Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) sa Gateway Cineplex noong Martes dahil sa rami ng mga speaker bago sinimulan ang pagpapalabas ng opening film na Dressed as A Girl.

SCENE: Humingi ng paumanhin sa mga bisita ang QCIPFF organizer na si Nick Deocampo dahil sa delayed arrival ng catering service.

SEEN: Maagang pinilahan kahapon ang Felix Manalo sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng epic movie ng Viva Films. Magdadagdag ng mga sinehan ang ibang mga mall at maaga na silang magbubukas.

SCENE: Humingi na ng paumanhin si senatoriable Francis Tolentino tungkol sa malaswang show ng Playgirls sa isang birthday party sa Sta. Cruz, Laguna noong nakaraang linggo pero patuloy ang mga batikos ng publiko laban sa kanya.

Nabigo rin ang Playgirls na makamit ang pinakamimithi na pagsikat dahil sa eskandalo na kinasangkutan.

Show comments