Alex ginagamit sa libro ang bagong manliligaw

Ilang taon na rin ang nakalilipas nang huling nagkaroon ng kasintahan si Alex Gonzaga. Ngayon ay isang non-showbiz guy daw ang nakikipag-date sa aktres. “Right now kasi I’m doing my second book. It’s about dating so it just so happens that I met a guy but hindi naman kami talaga. So getting to know each other. We’ll see, makikita na­ting lahat kung ano’ng mangyayari sa second book ko. Malapit nang lumabas,” nakangiting bungad ni Alex.

“We were introduced by common friends. Cute ‘yung story namin but siguro hintayin n’yo na lang ‘yung sa book. Hopefully if not December, siguro January na lang para mas maganda. Kasi we’re still finishing up the book,” pagbabahagi ni Alex.

Aprubado na raw ng mga magulang ng dalaga ang bagong manliligaw nito kaya madalas na dumadalaw ang lalaki sa bahay nina Alex sa Taytay, Rizal. “Hindi naman kasi ako magsisimula to get to know someone hangga’t hindi sila approved. Kasi hindi naman din nila papayagan na makilala ko or kahit Facebook friend ko lang ‘yung lalakI. Kung hindi nila approved, wala rin,” giit ni Alex.

Piolo hindi nagtanim ng galit kay Sharon

Nagbigay ng reaksyon si Piolo Pascual tungkol sa naging pahayag ni Sharon Cuneta kamakailan. Nabanggit ng Megastar sa pahayag na pinagsisihan na niya ang naging sama ng loob sa aktor nang maghiwalay sina Piolo at KC Concepcion ilang taon na ang nakalilipas.

Kahit kailanman ay hindi raw sumama ang loob ng aktor kay Sharon. “Hindi ako nagtatanim ng galit eh. I think isa sa mga magandang iniregalo sa akin ng Diyos ‘yun. Hindi ako mapagtanim na tao. So madali akong makapagpatawad because for me, my reasons din ang mga tao na nagagawa ang mga gano’ng bagay. But for me, as far as I am concerned I don’t hold grudges against anyone and hindi ko pinapatagal ‘yung mga issues,” paliwanag ni Piolo.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw talagang makausap ni Piolo nang personal si Sharon. “If there’s anything that I have to settle with each other, si­guro maganda rin na makapag-usap kami. If there’s anything that I did that offended her or her family, I am also sorry for it. You know, just like what she said nanay din eh, she’s entitled to that that’s why I apologize for it as well,” dagdag pa niya.

Show comments