MANILA, Philippines – Pasok na pasok sa budget ang SKYcable Prepaid, ang pinakabagong cable TV service na hatid sa atin ng SKY. Dahil dito, mas marami nang pamilyang Pilipino ang makakapanood ng top local at international shows, movies, at special events, na ‘di kailangang maghabol sa pagbayad ng monthly bills. Ang SKYcable Prepaid load variants ay mabibili sa halagang ?99 at ?250, valid for 30 days.
Maaaring makakapanood dito ng up to 35 standard definition at 4 high definition channels. Maliban sa bonus na 2 months worth of SKYcable Prepaid ?250 load, ang mga bagong SKYcable Prepaid subscribers ay may libre pang ABS-CBN Mobile Sim na may kasamang 800MB Internet access valid for 30 days. Sa bawat reload kada buwan, makakapanood pa sila ng mga libreng channels at exclusive shows. At para tuluy-tuloy ang pagiging updated sa mga available na promo, pwedeng manood sa Ch. 223 ang SKYcable Prepaid subscribers sa Metro Manila, CAMANAVA, Rizal, Cavite, at Laguna habang sa Ch. 58 naman pwedeng manood ang mga subscribers sa Bacolod, Cebu, Davao, Dumaguete at Iloilo.
Para sa mga subscribers na may SKYcable Digibox HD, magagamit ang iRecord feature, kung saan makakapag-record at playback ng mga shows, pati na rin mag-pause ng live TV.
Napakadaling mag-reload ng SKYcable Prepaid. ‘Pag gamit ang ABS-CBN Mobile SIM, i-text lang ang SKY<type 250 or 99><type SKYcable prepaid smartcard number> at ipadala sa 23667. Maari ding magpaload sa 7-Eleven outlets, V-mobile, at iba pang authorized loading stations.
Sa ?99 SKYcable Prepaid load variant, siguradong matutuwa ang mga bata. Kasama sa mga channels ang Cartoon Network HD. Kasama naman ang National Geographic HD, Disney Channel HD, at HBO HD sa ?250 SKYcable Prepaid load variant. Ang mga channel na patok-na-patok sa lahat ng mga Pinoy gaya ng Cinema One, Toonami, Cartoon Network HD, BTV, DZMM Teleradyo, Cinemo, Knowledge Channel, Yey, at Jeepney TV ay mapapanood sa ?99 at ?250 load variants
SKYcable lang ang may higit sa 200 channels at iba pang serbisyo tulad ng SELECT; iRECORD na kayang mag-record, mag-pause, and mag-play ng live TV, pati na rin live coverage ng concerts at sports events sa FREE VIEW at PAY-PER-VIEW.