Dismayado sa isang young actress ang staff ng isang sosyal na beach resort somewhere in the north dahil nagsuplada siya.
Ang sey ng isang saksi, talagang ipinaramdam ng young actress sa resort staff na hindi siya puwedeng lapitan at lalong hindi siya available sa mga photo op.
Hindi na naglakas-loob ang staff na lumapit sa young actress sa takot na baka matarayan lamang sila. Bilang ganti, ipinaramdam ng staff sa aktres na hindi ito sikat.
Isa ang aktres sa mga hinulaan na sisikat at magrereyna-reynahan sa showbiz pero hindi ito nangyari dahil sa kanyang masamang pag-uugali.
Felix Manalo pinag-iinteresang panoorin kahit hindi miyembro ng INC
Nakatuon ngayon ang atensyon ng lahat sa Felix Manalo dahil ngayon araw ito mapapanood sa halos lahat ng mga sinehan sa Pilipinas.
Curious ang lahat sa magiging pagtanggap ng publiko sa biggest movie of the year ng Viva Films na daang milyong piso ang budget.
Sigurado naman na marami ang manonood ng Felix Manalo dahil sa mga miyembro pa lang ng Iglesia Ni Cristo, siguradong puno na ang mga sinehan.
To be fair, may mga kakilala ako na hindi INC member na interesado na mapanood ang Felix Manalo dahil sa napakagandang trailer nito na paulit-ulit na ipinapakita sa telebisyon.
Sa promo at publicity pa lang, malaki na ang ginastos ng mga producer ng pelikula kaya naging aware talaga ang mga Pinoy na may pelikula tungkol sa sugo o First Executive Minister ng Felix Manalo.
Pangarap ni Gabby na mapasok ang mansion ng mga Manalo natupad
Ipinakita pala sa Felix Manalo ang loob ng bahay ng mga Manalo sa San Juan City.
Ito ‘yung mansion sa F. Manalo St. na takaw-pansin dahil napakalawak ng compound.
Ikinuwento ni Gabby Concepcion na pangarap nito na mapasok ang Manalo mansion na nadadaanan lamang niya noong bagets pa siya.
Natupad ang dream ni Gabby nang gampanan niya ang karakter ni Ka Eraño sa Felix Manalo dahil kinunan sa mansion ang ilang mga eksena ng pelikula.
Mga nag-cameo sa pelikula ni Dennis hindi naranasang maging bahagi ng kasaysayan
Hindi dumalo sa world premiere ng Felix Manalo ang mga artista na may cameo role.
Na-miss tuloy nila na maging bahagi ng kasaysayan dahil idineklara ng Guinness World Records ang world premiere ng Felix Manalo bilang largest attendance at a film screening at largest attendance at a film premiere.
Hindi nakita ng mga absentee star ang libu-libong tao sa loob ng Philippine Arena. Pinalampas din nila ang pagkakataon na mapalakpakan at marinig ang malakas na hiyawan na ibinigay ng audience sa mga artista na naglakad sa napakahaba na red carpet.
Alice napunta kay Raymond Bagatsing
Alam n’yo ba na si Alice Dixson ang original choice para gumanap na Honorata Manalo sa Felix Manalo?
Hindi natuloy ang plano dahil nagkaroon ng pagbabago sa casting.
Hindi na umubra si Albert Martinez na gaganap sana bilang older Felix Manalo dahil sa nangyari sa kanyang misis na si Liezl Martinez.
Nag-decide ang Viva Films na si Dennis Trillo na lang ang gumanap na young and older Felix Manalo. Pinatanda ang kanyang mukha sa pamamagitan ng prosthetics.
Kinausap si Alice ng Viva Films at naintindihan niya ang sitwasyon dahil hindi naman babagay kung siya pa rin ang gaganap na asawa ni Dennis Trillo na mas bata sa kanya.
Si Bela Padilla ang ipinalit pero binigyan pa rin si Alice ng role sa Felix Manalo bilang asawa ni Raymond Bagatsing.