Piolo hindi kayang banggitin ang pangalan ni Sharon, pero nagpapasalamat na nagsisisi
Hindi binanggit ni Piolo Pascual, pero sinagot ng actor ang mga sinabi ni Megastar Sharon Cuneta sa isang interview na pinagsisisihan niya ang mga sinabi niya sa social media noon tungkol sa actor.
Ano ‘yung masasabi mo na may nagsisisi?
“Siyempre naman nakakataba ng puso. At the end of the day tao naman tayo lahat eh. Nakakasakit, nasasaktan, nagpapatawad, nagmo-move-on, so ‘yun lang naman eh. (Ang maganda) naayos lahat. Sino ba naman ang ayaw dun?... It’s a thorn off my chest,” sabi ng aktor kahapon sa presscon ng SunPIOLOgyRun na nakatakdang ganapin sa November 28.
Pero talagang kahit sinagot niya ang nasabing interview ay wala siyang nabanggit na name ng mommy ng ex-girlfriend na si KC Concepcion.
Eh na willing siya to work with KC again?
“Yeah wala naman akong iniiwasan na katrabaho eh, I’m all for what is good and what has potential...so I can definitely work with anyone,” sabi niya pa kahapon.
Nauna na niya itong sinabi sa presscon ng movie nila noon ni Rhian Ramos na Silong. “We had a good talk in London,” dagdag niya sa naging pag-aayos nila ni KC nang magkasama sila sa ASAP Live in London kamakailan.
May reaction rin ba siya sa sinabi naman ni Gabby Concepcion na pabor siya sa balikan nila ng anak na si KC?
“Matatanda naman kami for us to make a decision (on getting back together). Of course I respect that (Gabby’s opinion) and I’m grateful,” dagdag ng actor nasa ika-7th year na pala sa pagtakbo para ikampanya ang malusog na lifestyle kung saan this time tututok sila sa sakit na diabetes.
At any rate, SunPIOLOgy Run now has a new category called the Golden Kilometer or GK (P600). It’s a 1K distance that can be enjoyed by those in their 50s and up. Participants can still choose from the old time favorites 500-M Kids Dash (P350), 3K (P700), 5K (P800), and 10K (P900).
“I’m hoping that this will be the biggest and brightest SunPIOLOgy Run yet. Aside from being able to send more scholars to school, we will also be doing our part in stopping the spread of a debilitating disease such as diabetes. So guys, let’s run together in the name of a healthier and diabetes-free Philippines,” Piolo said.
Registration begins online from October 12 and in-store via Runnr, BHS, and Trinoma and Toby’s outlets in Robinsons Galleria and SM Mall of Asia starting October 19.
Pang-Oscar ang acting ni Dennis – Teddyboy Locsin
In fairness, very Hollywood daw ang acting ni Dennis Trillo sa maingay na pelikulang Felix Manalo ng Viva Films na ang balita ay sa more 300 theaters ipalalabas simula ngayong araw.
Yup, ayon sa source, meron daw isang mall na sa sampung sinehan ipalalabas. Eh ang total number of theaters daw sa nasabing mall, 12 lang. So dalawang sinehan na lang ang natirang magpapalabas ng pelikula.
At tambak daw ang block screenings na naka-sked kaya jackpot ang mga sinehan.
Anyway, isa nga pala ang iginagalang na kolumnista na si Teddyboy Locsin ang napabilib sa performance ni Dennis Trillo sa Felix Manalo.
“Dennis Trillo is an Oscar level star. What acting, soft, subtle, eloquent with difficult lines.
“Lovely scenes and elegiac stone, wonderful, Dennis Trillo deserves an Oscar,” sabi niya pa ha.
Bukod kina Dennis at Bela Padilla, mahigit isang-daang artista rin ang sumusuporta sa Felix Manalo gaya nina Gabby Concepcion, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Richard Yap, Tonton Gutierrez, Mylene Dizon, Bobby Andrews, Heart Evangelista, Bembol Roco, at marami pang iba.
- Latest