MANILA, Philippines – Ipinatawagn ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang executives ng noontime show “It’s Showtime” kaugnay ng mga reklamo sa kanilang segment na “Nasaan Ka, Mr. Pastillas.”
“(The board) impelled to invite your authorized representatives for the program ‘It’s Showtime’ to a dialogue with the Special Sub-Committee of our Gender And Development (GAD) Committee,” nakasaad sa liham ng MTRCB sa It’s Showtime.
Nag-ugat ang isyu matapos maghain ng reklamo ang women’s group Gabriela at iba pang concerned citizens tungkol sa naturang segment ng noontime show.
Marami ang nagsasabing tila binubugaw ng palabas si Angelica Yap na mas kilala sa tawag na Pastillas Girl.
Ipinapareha kasi si Yap sa iba’t ibang lalaki upang makilala kung sino ba si Mr. Pastillas.
Magpupulong ang MTRCB at mga opisyal ng It’s Showtime sa Oktubre 13 sa tanggapan ng classification board.
Hindi ito ang unang beses na ipinatawag ng MTRCB ang noontime show. Noong 2014 ay tinawag nila ang pansin ng palabas dahil sa “armpit humor” ng host na si Vice Ganda.