^

PSN Showbiz

Kris paulit-ulit pinanonood ang sariling pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sunud-sunod ang block screening ng friends at fans ni Kris Aquino ng Etiquette for Mistresses at ang maganda pa, kapag may time rin lang siya ay dumadalo ito. Curious kaming malaman kung ilang beses na nitong napanood ang pelikula nila nina Iza Calzado, Kim Chiu, Cheena Crab, at Claudine Barretto.

Kahapon at ngayong araw ay may block screening ang friends niya sa Promenade.

Sa review ng isang film critic kung saan binati ang movie sa magandang ending, sabi ni Kris, siya ang responsible sa “fairytale” ending ng movie. “Not Direk @chitorono’s fault at all. I lobbied hard for mine because I felt in a movie where the woman chose “daang matuwid” reward naman n’ya ang family all her own.”

Samantala, sa Friday, October 9, ang first shooting day ni Kris ng All You Need Is Pag-ibig. Wala palang balita kung sino ang makakaeksena ni Kris sa unang araw ng shooting niya. May fans na nag-i-expect na bibisitahin siya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa set sa Friday, ito ay kung wala pang eksena si Mayor.

Grabe na naman ang sche­dule ni Kris sa first two weeks ng October, wala siyang pahi­nga dahil kundi nagti-taping ng KrisTV, may TVC shoot at print ad shoot ng mga bagong endorsements.

Benjamin ayaw pa rin umaming bumibisita sa bahay ni Glaiza

Ngiti ang sagot ni Benjamin Alves nang kantyawan naming nakalimutan siyang i-acknowledge ni Glaiza de Castro sa concert nito. Sigurado namang nakita siya ni Glaiza sa audience dahil ang sipag nitong kunan siya ng pictures habang nagpi-perform. Saka ang balita namin, 7 p.m. pa lang, nasa Music Mu­seum na ang actor.

Natawa lang kami sa katabi namin sa Music Museum dahil nang banggitin namin ang pangalan ni Benjamin, tiningnan kami ng masama. Fan pala siya ng love team nina Glaiza at Rhian Ramos at nagselos yata.

Nalaman pala namin kay Benjamin na as of last Saturday, naabot na ng Heneral Luna ang P200-M mark kaya magagawa na ng Artikulo Uno ang second sa trilogy ni director Jerrold Tarog na Gregorio del Pilar na pagbibi­dahan ni Paulo Avelino. Hoping din si Benjamin na gawin na rin ang Manuel L. Quezon at siya pa rin ang gaganap dahil siya ang lumabas na MLQ sa Heneral Luna.

Hindi rin pala kami sinagot ni Benjamin sa tanong namin kung totoong bi­ni­bisita niya si Glaiza sa bahay nito. Naalala namin, sa taping pa ng Beautiful Strangers namin ‘yun nalaman at tila isa sa co-stars niya sa teleserye ang nambuko sa kanya. Ang tanging nasabi lang ni Benjamin ay “sino’ng nagsabi?”

Ken isang araw lang nag-training para mag-astang beauty queen

Kay Jonas Gaffud ng Mercator Talent Agency at beauty maker nag-training si Ken Chan para sa transformation niya bilang isang transwoman sa Destiny Rose. Isang araw lang nag-training si Ken kung paano maglakad at kumilos ang isang beauty queen at marami raw naituro sa kanya si Jonas.

Hinintay pang mag-transform si Ken na transwoman bago kunan ang kissing scene nila ni Fabio para raw walang magreklamo sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Mga manonood ng Felix Manalo,  ‘di dapat kumurap

Masayang ipinost ni Gladys Reyes sa Instagram (IG) ang video ng napakaraming tao na dumalo sa premiere night ng Felix Manalo kung saan kasama siya sa cast at gumaganap sa role ni Avelina na isa sa mga anak ni Ka Felix Manalo.

Sa more than 300 theaters na paglalabasan ng pelikula simula bukas, sigurado na ang pagiging box-office hit ng movie. Hindi lang mga INC ang makikigulo sa Felix Manalo dahil pati ibang relihiyon ay interesadong mapanood ang pelikula lalo’t nababalita ang husay ng buong cast sa pangunguna ni Dennis Trillo.

Si Sarah Geronimo ang kumanta ng theme song ng Viva Films movie sa direction ni Joel Lamangan. Sa mga manoood, ‘wag kukurap para hindi ninyo ma-miss ang mga eksena ng napakaraming guests at mga nag-ca­meo.

Samantala, masaya rin si Gladys dahil may bago siyang soap sa GMA 7. Kasama siya sa Little Mommy at gaganap silang mag-asawa ni Keempee de Leon.

Sa picture ni Glayds na kasama si Eddie Garcia, sabi nito “Love working with the one and only tito Eddie Garcia” at sa picture nila ni Nora Aunor, ang caption niya ay “Blessed to be working with the Superstar, Ms. Nora Aunor in a new teleserye soon.”

ACIRC

ALL YOU NEED IS PAG

ANG

ARTIKULO UNO

BEAUTIFUL STRANGERS

EDDIE GARCIA

FELIX MANALO

GLAIZA

HENERAL LUNA

NBSP

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with