Felix Manalo halos doble ang lamang sa tinalong pelikula sa Guinness World Records

Sayang at hindi kami nakadalo sa makasaysa­yang grand premiere ng biopic movie na Felix Ma­nalo na ginanap sa 55,000-seater na Philippine Are­na sa Bocaue, Bulacan nung nakaraang Linggo, October 4. Nataon din kasi ito sa surprise birthday get-together para sa Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na gina­nap sa Sampaguita Gardens na hindi rin namin puwedeng palagpasin.  Ang nasabing pelikula ay pinagbidahan ng award-winning actor na si Dennis Trillo na siyang nasa title role at idinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan for Viva Films.

Nasira ng Felix Manalo grand premiere night ang lahat ng exis­ting records ng Guinness World Records na ang hu­ling may hawak ay ang World Premiere ng Honor Flight ng Stars and Stripes Honor Flight (USA) na ginanap sa Miller Park Stadium sa Milwaukee, Winconsin, USA noong August 11, 2012 na dinaluhan ng 28,442 attendees.

Ang naitala ng Felix Manalo ay 43,624 na kung tutuusin ay mas marami pa sana ang dadalo pero may mga area na isinara para ma-accommodate ang giant screen. Ito rin bale ang largest audience para sa premiere night ng isang pelikula sa buong mundo.

Grabe.

Kuya Germs nagiging emosyonal lately

Lately ay napapansin namin ang pagiging emotional parati ng Kuya Germs kapag siya’y natutuwa.

Sa month-long birthday celebration niya sa kan­yang long-running late night show na Walang Tu­lugan with the Master Showman sa Kapuso Net­work, makailang beses itong umiyak sa sobrang kasiyahan.

Hindi rin napigilan ni Kuya Germs ang maiyak sa surprise birthday dinner na inihanda para sa kanya ng Vera-Perez siblings sa pangunguna ni Manay Ichu Maceda sa pakikipagtulungan sa kaisa-isang anak ni Kuya Germs na si Federico na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ng Master Showman, in and out of showbiz.

Ilan sa mga nakita naming dumalo ay ang movie queens na sina Susan Roces at Gloria Romero. Naroon din ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang couple na sina Robert Arevalo at Barbara Perez, ang Asia’s Got Talent finalist na si Gerphil Flores, ang mga executives ng GMA sa pangu­nguna ni Atty. Annette Gozon-Abrogar, Tina Pa­ner, Dinah Dominguez, Anthony Castelo at marami pang iba.

Ang pamangkin ni Kuya Germs na si John Nite ang naging master of ceremonies.  Nagpaunlak din ng special song numbers si Federico ganundin ang apat nitong anak sa asawang si Shiela Magdayao-Moreno.

Dagsa ang datingan ng ibang bisita ni Kuya Germs na masayang-masaya ng gabing ‘yun dahil binigyan pa siya ng pangalawang-buhay ng Diyos

Jessy at JM friends pa rin kahit hiwalay na uli

Gaano kaya katotoo ang balitang tuluyan nang naghiwalay for the second time ang magkasintahang JM de Guzman at Jessy Mendiola? Pero naghiwalay umano ang dalawa na magkaibigan pa rin at nangako umano si Jessy na suportado pa rin niya ang dating kasintahan sa mga proyekto nito.

Nanghihinayang lamang ang marami na tila hindi pa rin talaga naibabalik ni JM ang kanyang tiwala sa sarili bilang isang mahusay na actor considering na nakagawa na ito ng isang remarkable project, ang pelikulang pinagtambalan nila ni Angelica Panganiban, na That Thing Called Tadhana.

Show comments