Fans ni Nora, ayaw maglabas ng pera

Nora

Tatangkilikin naman siguro ng mga Nora­nian, maski na ng mga hindi Noranians ang serye na gagawin ni Nora Aunor sa GMA. Lib­re naman ‘yun mapapanood.

Para kasing sa mga may bayad lamang na palabas hindi nasusuportahan ng mga Nora­nian ang idolo nila.

Bakit nga ba ganito, bakit sa pelikula pina­babayaan n’yo si Nora?

Maraming salamat sa birthday surprise…

Salamat sa mga dati kong anak-anakan sa That’s Entertainment na pumayag makasama sa tribute na ibinigay sa akin ng Sunday PinaSaya. Pinasaya n’yo ako mga anak, at hindi ko ito malilimutan.

I’m sure kahit papaano ay nakatulong ang segment na ibinigay sa akin para makahakot pa ako ng karagdagang manonood ng show.

Thank you sa anak kong si Freddie Moreno sa pagbibigay sa akin ng isang surprise birthday celebration. Talagang wala akong kamalay-malay habang inililibot ako ng fairy godmother kong si Alice Eduardo na meron palang isang salu-salo na naghihintay sa akin sa Sampaguita Gardens. Akala ko ay palalampasin na lamang ang nakaugalian kong party dahil nagpapagaling ako sa a­king sakit.

Masayang-masaya ako dahil kasama ko sa party sina Freddie, ang asawa niyang si Shiela Magdayao-Moreno, ang mga ipinagmamalaki kong mga apo na sina Jorel, Gabby, Francheska, at Raffy. Kinantahan nila akong lahat sa party na dinaluhan ng mga nauna kong mga kaibigan sa showbiz, (Susan Roces, Gloria Romero, Barbara Perez, Robert Arevalo, Liberty Ilagan, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Mother Lily, Dinah Dominguez, Anthony Castelo, Mayor Erap Estrada, Jaime Acosta), ilang anak-anakan tulad nina Marlo Mortel, Ken Chan, Tina Paner, mga bossing ko sa Siete gaya nina Ma’m Annette, Lillibeth, Redgie, ilang mga kamag-anak at kaibigan sa press tulad nina Vero Samio, Linda Rapadas, Rowena Agilada, Wally Peralta, Nestor Cuartero, Melchor Bautista, Beth Gelena, George Vail Kabristante, Luz Candaba, at John Fontanilla.

Salamat sa mga nag-host ng programa na sina John Nite at Sharmaine Santiago, sa mga pamangkin kong kumanta, kina Manay Ichu Maceda at Lillibeth Nakpil na sa lugar nila sa Sampaguita ginawa ang party. Ang dami ko pang gustong pasalamatan, sina Chuchi at Carmelites, ang staff ng Walang Tulugan, marami pa na hindi ko pa maalala. Bahala na ang Diyos na sumukli sa inyong kabutihan. Muli, maraming salamat.

Show comments