^

PSN Showbiz

Viva at INC nagbunga ang effort, inaasam na Guinness nasungkit

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Congrats sa Viva Films dahil nasungkit nito ang pinakaasam-asam na Guinness World Records for the largest attendance at a film screening at largest attendance for a movie premiere para sa pelikulang Felix Manalo.

At least, nagbunga ang effort ng Viva Films at ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na makuha ang mga nasabing world records. Ewan ko lang kung mahihigitan ng ibang mga pelikula sa buong mundo ang record na itinala ng Felix Manalo sa Philippine Arena noong Linggo.

Puwedeng malampasan ang record ng Felix Manalo pero tiyak na matatagalan pa.

Pagpasok ng mga tao sa Philippine Arena hindi naging problema

Engrande at bonggang-bongga ang world premiere ng Felix Manalo sa Philippine Arena dahil sa sipag ng mga empleyado ng Viva Films.

Sabado pa lang, nagpunta na sa Philippine Arena ang Viva Films staff para masiguro na magiging successful ang premiere ng movie of the year.

Hindi naging problema sa Viva Films employees ang matutulugan dahil may mga kuwarto sa Philippine Arena kaya dito na sila nag-overnight.

Malaking kontribusyon din sa successful premiere ng Felix Manalo ang mga pinuno at miyembro ng Iglesia Ni Cristo dahil sa kooperasyon at tulong na ibinigay nila.

Hindi naging mahirap ang pagpasok sa Philippine Arena ng 42,624 na manonood dahil sa assistance ng mga magagalang at mababait na security personnel.

Dennis hindi kinaya ang mga tao na gustong makipag-selfie sa kanya

Star na star si Dennis Trillo nang maglakad siya sa red carpet ng Philippine Arena.

Bakit hindi? Siya lang naman ang gumanap na Ka Felix sa filmbio nito na pinrodyus ng Viva Films.

Isipin n’yo na lang ang dami ng mga tao na gustong magpakuha ng litrato na kasama si Dennis. Imposible talaga na mapagbigyan niya ang photo op request ng libu-libong audience ng Felix Manalo premiere.

Direk Joel pinupuri sa malinis na pagkakagawa sa Felix Manalo

Congrats din sa direktor na si Joel Lama­ngan dahil hindi madali na bumuo ng isang epic movie.

Manghang-mang­ha ang mga dumalo sa premiere ng Felix Manalo sa mga war scene ng pelikula dahil pulido ang pagkakagawa nito.

Walang makapaniwala na kinunan sa Escolta ang Japanese occupation scene dahil gumamit si Joel ng mga tangke, eroplano at daan-daang extra na gumanap na Japanese soldiers.

Nairaos ang malaking eksena dahil magagaling ang mga namahala sa crowd control at disiplinado ang mga tao. Itinaon na araw ng Linggo ang shooting ng big scene para hindi maabala ang trapiko at hindi maperwisyo ang mga motorista at pasahero.

Gladys malaki ang pasasalamat sa mga sumuporta ng INC movie

Siyempre, isa sa mga pinakamaligaya na artista ng Felix Manalo ang alaga ko na si Gladys Reyes.

Pinaghandaan ni Gladys ang world premiere ng pelikula dahil nagpagawa pa siya ng Filipiniana dress.

Nag-uumapaw sa galak ang puso ni Gladys nang makita nito na punumpuno ng tao ang Philippine Arena kaya pinasalamatan niya ang lahat ng mga kapatid niya sa pananampalataya.

Kahit sino ang nasa lugar ni Gladys, talagang maliligayahan sa suporta na ibinigay ng Iglesia Ni Cristo members sa Felix Manalo.

Starring sa Felix Manalo ang mga alaga ko na sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Lorna Tolentino, Raymond Bagatsing, at Alfred Vargas.

Tanging si Glydel ang walang linya sa pelikula pero happy ako dahil bongga ang mga exposure ng alaga ko sa Felix Manalo.

May nagsabi sa akin na mahaba ang exposure nina Tonton at Alfred sa pelikula samantalang makabagbag-damdamin ang role ni Raymond bilang ministro ng INC na pinatay ng mga Hapon dahil sa kanyang pananampalataya.

ANG

ARENA

DAHIL

FELIX

FELIX MANALO

GLADYS

IGLESIA NI CRISTO

MANALO

MGA

PHILIPPINE ARENA

VIVA FILMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with