Hindi kaya nagsisisi si Carla Abellana sa pagpayag na palitan siya ni Kris Bernal sa bagong primetime soap ng GMA 7 na Little Mommy? Kung si Carla pa rin kasi ang title role ng soap, siya sana ang makakasama nina Nora Aunor at Eddie Garcia at idagdag pa sina Sunshine Dizon, Gladys Reyes, at Bembol Rocco.
Suwerte ang mapasama sa mga nabanggit na artista dahil siguradong maraming matututunan sa acting. Kaya tuwang-tuwa at excited nang mag-taping si Kris this week.
But in fairness, magandang project din ang ibibigay kay Carla, pang-primetime rin ito at ang last naming nalaman, hinahanapan na siya ng leading man. Hindi pa puwede si Tom Rodriguez dahil may MariMar pa ito.
Balik na nga sa Kapuso Network si Eddie dahil after mag-guest sa The Half Sisters na this week pa lang lalabas ang karakter, may kasunod na siyang soap.
Sobrang tuwa rin siguro ni Ricky Davao na siyang director ng Little Mommy dahil sa magagaling niyang cast at challenging at controversial daw ang story nito. Sa second week ng November na ang pilot ng nasabing serye.
Glaiza nakalimutang pasalamatan sina Benjamin at Chynna
Malaking tagumpay ang Dreams Never End concert ni Glaiza de Castro in terms of attendance, ganda ng concert, at husay niyang mag-perform. Puno ang Music Museum at mapupuno pa kung nagkaroon ng second night ang concert sa rami ng gustong mapanood ang aktres na kumakanta at nagpi-perform.
Hindi nagpatalo si Glaiza sa mga guest niyang sina Kitchie Nadal, Cooky Chua, Jay-R, Rhian Ramos, at Regine Velasquez. Pinuri ni Songbird si Glaiza at ‘di niya akalaing hindi lang ito magaling na aktres kundi mahusay ding performer. Sing and dance si Glaiza at tumugtog pa ng gitara.
May mga taga-GMA 7 na nanood sa concert at nakita nila ang husay ni Glaiza at ang rami ng fans nito na may buying power. Silang fans ang rason kung bakit hit ang Synthesis album nito at sinusundan ang bawat gig niya. Hopefully after the concert, ma-push na nang husto si Glaiza hindi lang bilang aktres, kundi singer at recording artist na rin.
Paging GMA Records!
Sa sobrang saya ni Glaiza, hindi na-acknowledge ang mga kaibigang nanood gaya nina Chynna Ortaleza at Benjamin Alves na ang sipag pa namang kunan siya ng picture. Si Benjamin ang nagbigay ng title sa hit album ni Glaiza, pero naintindihan siya ng aktor kung bakit nakalimutan siyang banggitin.
Anyway, mapapanood sa November sa GMA 7 ang concert ni Glaiza at baka magkaroon siya ng kasunod na concert dahil marami ang gustong magprodyus ng concert for her lalo na after siyang mapanood last Saturday.
Koreen Medina ng SS6 parang Barretto ang ganda
Hindi lang pala ang Ultimate Final 14 ng Starstruck 6 ang pinapirma ng GMA Artist Center ng kontrata, kundi maging ang pasok sa Top 28. One-year exclusive contract ang pinirmahan ng Top 28 at kapag nabigyan na ng project, dapat nilang gawin ang kanilang best at ipakita ang talent para magka-career.
Mauuna pa ngang mabigyan ng project ang hindi nakasama sa Ultimate Final 14 dahil nasa contest pa ang mga ito, kaya good luck sa kanila.
Isa sa kasama sa UF14 ang beauty queen na si Koreen Medina na 2013 Mutya ng Pilipinas at nag-third place sa international competition. Parang member ng Barretto family ang ganda ni Koreen at kailangan na lang ilabas ang talent sa mga gagawing challenges at suporta ng fans para siya’y manalo.
Bagay silang magka-love team ni Avery Paraiso, good looking couple, plus point na like nila ang isa’t isa at may fans na ang love team nila.