^

PSN Showbiz

Smart Gilas kinawawa sa China MVP hindi nakapagpigil, naglabas ng hinaing sa Twitter

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kitang-kita at ramdam na ramdam ng buong Pilipinas ang pandaraya sa Smart Gilas Pilipinas ng China sa kanilang basketball game noong Sabado.

Confirmed na niluto ang laban kaya hindi nakatiis si TV5 Chairman Manny Pangilinan na i-tweet ang mga kaduda-duda na ginawa sa Smart Gilas Pilipinas.

Kasama si Papa Manny ng Smart Gilas Pilipinas sa 2015 FIBA Asia Championship Finals na ginanap sa Changsa, China kaya nasaksihan niya ang unfair treatment sa mga manlalarong Pinoy.

Ang Twitter ang ginamit ni Papa Manny para i-share sa mga Pilipino ang mga nangyari. Para mag-tweet ng saloobin si Papa Manny, talagang biktima ng luto at pandaraya ang Smart Gilas Pilipinas ng host country.

“We all prayed the rosary to our Blessed Mother. And told Her about tonight’s Project KILL-Kahit Isa Lang Lord!

“Now it has begun. Our Gilas electric bus delayed. Failed to charge daw. Gilas arrival at stadium delayed. Less time for warm up. And some of our coaches no tickets!!!!! Wow. Plus no tickets for some of our assistant coaches. Gggrrrr. And for us hard to get tix!!! Ggggrrrr.

“Mapapaaway kami dito. Sh*t. Coach Tab warned us about these cheap tactics last night after the game vs Japan-Chinese team staying w/ us at Kempinski Hotel. All other teams inc. Gilas in another, official hotel. That’s not following the Fiba rules.

“Let the team know an entire nation is behind them. Totally behind them. And praying fervently for Gilas to succeed tonight. Let the world know 12 angry men will answer the challenge of greatness. Yes we can. Yes we must. Yes we will. God bless Gilas Pilipinas!” ang mga tweet ni Papa Manny na halatang upset na upset sa mga pangyayari.

Nag-alburoto ang mga Pinoy nang mapanood nila sa TV5 ang laban ng Smart Gilas Pilipinas sa Chinese Team dahil kitang-kita ang pagluluto na ginawa sa hardcourt.

Sa galit ng mga Pinoy, nag-emote sila na hindi na tatangkilikin ang mga produkto na gawa sa China dahil hindi sila parehas lumaban.

Pelikula ng Regal at Octoarts Films, non-stop na mapapanood sa tulong ng TVolution!

Available na sa PLDT Home DSL subscribers ang TVolution, ang second entertainment television plan ng number one broadband company ng bansa.

Sa halagang P99 monthly, mapapanood ng PLDT Home DSL subscribers sa tulong ng TVolution unit ang mga pelikula ng Regal Films, Octoarts Films, ang mga programa sa Korean cable channel na M at ang mga top-rating program ng GMA 7. Magkakaroon din sila ng access sa mga pelikula sa iflix at mga television show ng FOX TV. Sosyal ‘di ba?

Ibinalita ni PLDT Home DSL executive Gary Dujali na hanggang ngayon, ang PLDT Home DSL ang pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy at matibay na ebidensya ang 73% market share ng kanilang kompanya.

Sa mga hindi pamilyar sa TVolution, ito ay isang maliit pero powerful device na puwedeng mag-transform sa inyong mga television set sa Internet TV.

Available ang TVolution sa PLDT Home Fibr subscribers, PLDT Home DSL subscribers na merong Plan 999 o mas mataas at sa lahat ng PLDT Home Bro Ultera subscribers.

Maaaring magkaroon ng access sa Facebook at YouTube ang mga nagpaplano na mag-avail ng TVolution plan dahil isang Android device ang TVolution na compatible sa lahat ng mga television set na may HDMI port.

ACIRC

ANG

ANG TWITTER

ASIA CHAMPIONSHIP FINALS

GILAS

MGA

NBSP

OCTOARTS FILMS

PAPA MANNY

PINOY

SMART GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with