Ina ni Pastillas Girl hindi pinalampas ang bashers

MANILA, Philippines – Pumiyok ang ina ni Pastillas Girl na si Teresa Hernandez laban sa ba­shers ng kanyang anak kahapon It’s Showtime, at nakiusap sa kanilang kila­lanin muna ang kanyang anak bago ito pagsalitaan ng masama.

Bagama’t labis daw siyang nasasaktan, tinitibayan na lamang ni Mommy Teresa ang kanyang loob para suportahan si Pastillas Girl. Nagsalita rin si Mommy Teresa patungkol sa issue ng pambubugaw sa kanyang anak.

“’Di lang nila alam kung gaano ko kamahal ‘yung anak ko. Hindi ko ma­ta­­tang­gap ‘yung sabihin nilang binubugaw namin ‘yung anak ko,” saad ni Mommy Teresa.

Dagdag pa niya, suportado rin ng kanilang pamilya ang kanyang anak sa paghahanap nito ng kanyang Mr. Pastillas dahil ang tanging hangad lamang daw niya para rito ay lumigaya at makahanap ng lalaking mamahalin siya nang tunay.

Nagpasalamat naman si Pastillas Girl sa  It’s Showtime  dahil sa pagkaka­taong binigay sa kanya ng programa para buuing muli ang kanyang sarili.

 

Show comments