Ilang kasali sa Top 14 ng SS6 nakatikim ng lupit bago natutong sumayaw

Maraming may potensyal sa Ultimate Final 14 ng Starstruck 6 na pinili nina Joey de Leon, Regine Velasquez-Alcasid, Jennylyn Mercado, at Dingdong Dantes. Kahit na sasampu na lamang ang hinintay na mapili dahil nauna nang napili mula sa Top 18 sina Migo Adecer, Avery Paraiso, Klea Pineda, at Ayra Mariano, naging kapana-panabik pa rin ang paghirang sa 10 na kumumpleto sa Ultimate 14.

Hindi masabi kung sino talaga sa 14 ang susunod sa mga yapak nina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Steven Silva, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Megan Young, Cristine Reyes, Katrina Halili at marami pang iba.

Ang hindi makakalimutang karanasan ng 14 ay ang kahigpitan ng dance mentor nilang si Douglas Nierras na hindi lamang sila pinagagalitan kundi madalas ay nasisigawan pa. Sa halip na magtanim ng galit dito, appreciated ng 14 ang ginagawa nito para mailabas ang kanilang talento sa pagsasayaw.

Bukod sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte, may mga nahirapan ding umiyak, at humanap ng tamang tono. Pero lahat ng mga babae ay nagkakaisa na pinakamagandang karanasan nila ay ang makilala at makaharap ng malapitan si Alden Richards.

Nakakalungkot na maraming kabataan ang kinailangang iwan ang kanilang pag-aaral para samantalahin ang kapalaran nila bilang artista.

Mapapanood ang Starstruck weekdays bago mag-24 Oras sa GMA.

PBB 737 labanan ng mag-partner

Na-evict na nung Biyernes sa PBB 737 (Pinoy Big Brother) house si Mikee Agustin. Sayang dahil kababalik pa lamang niya at tsugi na uli siya. Wala kasi siyang ka-partner sa loob. Ang laban ay nakasentro ngayon kina Dawn Chang-Zeus Collins at Tommy Esguerra-Miho Nishida.

Nakaabang lamang si­na Roger Lutero, Ri­chard Juan, at Jameson Blake.

Ang Teen Big 4 naman ay may iba ring laban na medyo hindi na kasing-init ng labanan ng regular housemates.

Abangan na lang ang pagiging full-blown roman­ce between the two pairs of regular housemates na hindi ko maisip kung paaano matutulungan ng Teen Big 4 and vice versa.

Paggamit sa apelyido ng asawa, usung-uso na

Nagsisimula nang gamitin ng mga may asa­wang artistang babae ang apelyido ng kanilang mga asawa. Nauna na si Regine Velasquez na may Alcasid na sa apelyido. Pinakahuling may ginawang pagbabago sa kanyang pangalan ay si Karylle na magsisimula na ring gamitin ang Yuson. Si Toni Gonzaga ay gamit na ang Soriano, si Heart Evangelista ay nilagyan na rin ng Escudero ang apel­yido. Si Marian ay Marian Rivera-Dantes.

Show comments