It’s Showtime at ASAP20 biyaheng Biñan ngayong weekend

MANILA, Philippines - Bilang pasasalamat sa suporta ng solid Kapamilya fans, biyaheng Biñan, Laguna ang It’s Showtime at ASAP 20 para sa kanilang Kapamilya, Thank You! show na magdadala ng engrandeng selebrasyon ng sayawan, kantahan, at katatawanan sa Alonte Sports Arena nga­yong Sabado (Oct. 3) at Linggo (Oct. 4).

Matapos ang matagumpay na ANIMversary Kick Off sa Araneta, sasabak na sa inaabangang Magpasikat anniversary performances ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Coleen Garcia, Ryan Bang, at Eruption.

Sa kanilang unang pasabog, makakasama nila ang mga finalist at winner ng hit segments na That’s My Tomboy, Mini me, at Funny One.

Pagdating naman ng Linggo, ang star-studded show ng ASAP 20 naman ang maghahandog ng pasasalamat sa mga solid Kapamilya.

Pangungunahan ng ilan sa mga Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Enchong Dee, Rayver Cruz, ang kiligan kasama ang mga Kapamilya Gold at Primetime Bida leading men na sina Anjo Damiles, Jerome Ponce, Joshua Garcia, Diego Loyzaga, Albie Casiño, at Richard Yap.

Hindi rin naman magpapahuli sa pagpapakilig ang lead stars ng hit teleseryeng Pangako Sa ’Yo na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (KathNiel) kasama sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion sa kick-off ng Pangako Sa ’Yo Thank You Day na tiyak kagigiliwan ng fans ng kanilang programa.

Mag-aalay ng awitin ang world-class singers ng ASAP20 na sina Jed Ma­dela, Erik Santos, at Concert King Martin Nievera kasama ang casts ng Ningning, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, at All of Me.

Dadalhin naman ni Enrique Gil at Maja Salvador sa Biñan ang panibagong dance craze na tiyak trending sa puso ng mga ma­nonood.

Samantala, sabay ng Kapamilya Thank You! Biyaheng Biñan ngayong Sabado, ay pormal na ring ilulunsad ang ABS-CBN HD na mapapanood ng SKY at Destiny Cable subscribers na mayroong SKY Cable HD Digibox. ABS-CBN ang pinakaunang free-to-air channel na magbo-broadcast in high definition 24/7. Ang subscribers na taga-Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, at San Jose Del Monte, Bulacan ay mae-enjoy ang kanilang paboritong Kapamilya shows in HD sa Channel 167, habang ang subscribers naman na mula Cebu, Davao, Bacolod, Iloilo, at Baguio ay mapapanood na ng mas malinaw ang ABS-CBN sa Channel 700.

Show comments