Month-long birthday celebration ni Kuya Germs, simula na ngayong Sabado

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Oktubre 3) sa Walang Tulugan with the Master Showman, sama na sa kwentuhan at kulitan dahil simula na ng month-long birthday celebration ng nag-iisang German “Kuya Germs” Moreno.

Siguradong all-out entertainment ang matutunghayan dahil isang buwan na puno ng mga musical numbers ang inihanda ng programa. Dagdag pa rito ang mga special guests na makikisaya sa kaarawan ng itinuturing na tatay ng industriya.

Bukod sa mga artistang makaka-chikahan sa segment na Celebrity Talk, makikanta na sa mga awiting Pinoy na inihanda sa segment na OPM Greats.

Kinikilala na isa sa mga longest-running variety shows on local television, samahan si Kuya Germs tuwing Sabado ng madaling-araw sa Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA.

 

Show comments