MANILA, Philippines - Sold out na agad pala ang general admission at VIP tickets sa From the Top concert ni Sarah Geronimo sa December 4.
Nagdagsaan daw kasi ang fans ni Sarah the other day sa Araneta Coliseum kung saan personal na nagbenta si Sarah sa unang araw ng ticket selling para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum.
Balitang nag-iisip na ang Viva Live kung magkakaroon na agad ng second night ang SG From the Top.
Ito umano ang unang pagkakataon na na-sold out sa unang araw ang tickets sa isang concert ang GA at VIP.
Weird pala ang pagsasama ipinagagawang bahay ni Heart para sa kanila ni Chiz, matatapos na
Malapit na palang matapos ang ipinapagawang bahay ni Heart Evangelista sa Quezon City na magiging love nest nilang mag-anak.
Kwento ni Heart sa isang interview, Mediterranean ang design ng kanyang bahay sa labas pero French country look naman sa loob upang maging “homey” sa kambal na anak ni Sen. Chiz Escudero.
Pitong buwan na rin silang kasal pero hindi pa pala nakatira sa iisang bahay sina Chiz at Heart kasi hindi magkasya ang mag-anak sa maliit na townhouse na tinitirhan ng senador sa isang subdivision sa Quezon City.
“Weird” nga daw ang setup nila ni Heart, kwento ni Chiz, dahil palipat-lipat ang senador sa bahay kung saan nakatira ang kanyang kambal na anak, at sa bahay na inuupahan naman ng kanyang misis.
Sabi ni Chiz, tuwing gabi pagkatapos niyang mapatulog ang kanyang kambal na anak, lilipat naman siya sa bahay na nirerentahan ni Heart na ilang hakbang lang ang layo sa townhouse niya.
Sa umaga naman gigising siya ng maaga upang maihatid sa eskwelahan ang kanyang kambal na anak na sina Quino at Chesi.
“Maganda. Masaya. Medyo mahirap lang kasi wala naman kaming iisang bahay,” sabi ni Chiz tungkol sa buhay mag-asawa nila ni Heart.
“Nagre-rent lang si Heart ng townhouse kung saan ako nakatira na subdivision. So, hindi kasya yung gamit ko roon. Hindi kasya yung gamit ng mga anak ko roon. Hindi rin naman kasya ‘yung mga gamit niya sa townhouse na inuupahan ko. So, medyo alanganin lang at magulo yung setup namin ngayon,” dagdag pa ng senador sa isang interview.
“At least, kapag natapos yung ipinapagawang bahay ni Heart, pwede kong sabihing ‘ibinabahay’ ako ni Heart Evangelista,” natatawang sabi ng senador.
Ganun? Meaning mas mayaman si Heart kesa sa kanya.
Alyssa Valdez tinuruang maging confident ang mga teenager
Dinumog ng mga teenager ang ginanap na #TeenWeekPH last Saturday, September 26, sa SMX in SM Aura.
Bukod kasi sa mga nakakaaliw na activities, ang dami pang showbiz at sports celebrities na nanguna sa event na ang layunin ay palakasin ang pangangalaga ng mga teens sa proper hygiene at personal development para makuha nila ang confidence bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan.
Sa kanilang ikatlong taon, nagbabalik ang #TeenWeekPH, na mas malawak ang agenda sa teens mula sa total of 125 public and private schools across Luzon, Visayas and Mindanao. Sa pamamagitan ng series of interactive personality development workshops, tinuruan ng #TeenWeekPH ang mga estudyante ng kahalagahan ng tamang pangangalaga sa sarili at kung paano ito makakatulong para maging positibo ang kanilang pananaw.
Tailored to teen-relevant themes per day, #MoveUpMonday tackled teen life and goal setting, while #TransformTuesday taught teens to care for their skin with Pond’s and Master. #WorkItWednesday encouraged students to build their talents and confidence, with challenges from Rexona. #ThinkBigThursday focused on dreams and ambitions, with untangling limitless possibilities and nothing to hide workshops from Cream Silk and CLEAR. And on #FutureFriday, students learned the importance of building lasting friendships and relationships in their teenage years.
Kasama sa mga naging speakers ang basketball player and entrepreneur na si Chris Tiu, multi-awarded Filipina volleyball player Alyssa Valdez, and actor and dancer Enrique Gil, among others.
Sa pagtatapos ng week-long festivities ng #TeenWeekPH Fair, binigyan ng pagkakataon ang mga nakiisang teen na ipakita ang kanilang mga natutuhan sa isang buong araw ng kasiyahan.
Nagkaroon sila ng pagkakataong ipakita ang artistic side sa Quotefie booth, while new friendships were struck at the Instafriends Booth. Teens were also treated to appearances by members of the #TeenWeekPH Council, Patricia Prieto, Verniece Enciso, Binibining Pilipinas runners-up Kim Suiza and Hannah Sison, and Alyssa Valdez, at nag-perform naman ang Chicser, and teen sensations Manolo Pedrosa and Maris Racal.
Dadayo ang #TeenWeekPH sa Visayas and Mindanao, with a second culminating #TeenWeekPH Fair in the Cebu Convention Center ngayon, October 3.