Sheryl ‘alaga’ raw ng pulitiko!

True kayang hawak ng isang malaking PR firm si Sheryl Cruz? Ito raw PR firm na ito ang nagbo-book kay Sheryl sa mga TV interview tulad sa Headstart ni Ms. Karen Davila. Yup, inila-lobby daw sana ng nasabing PR group ang dating aktres dahil marami pa raw sasabihin. Pero nadiskubre na raw na may grupo sa likod ng pagsasalita ng masama ni Sheryl tungkol sa kanyang ‘pinsan’ na si Sen. Grace Poe.

Ang nasabing PR firm daw din umano ang may hawak ng PR ng ibang government offices like DOH, DBM at kung anu-ano pa.

Bukod sa kuwentong ito ng isang source, meron din umanong karelasyong pulitiko si Sheryl kaya malakas ang loob nitong magsalita.

Pero ayaw pangalanan ng source kung sinong pulitiko ang natsitsismis kay Sheryl. Ang isang sure lang ng source, may asawa ang pulitiko.

Sa kasalukuyan ay nanahimik ang actress matapos ‘manggulo’ sa presscon ng pelikulang Felix Manalo na Graded A ng Ci­nema Evaluation Board (CEB) at showing na sa October 7.

PBB housemate na si Tom, mas may pramis kay Sam Milby?!

Cute ‘yung PBB 737 housemate na si Tommy. Parang may hawig siya sa boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff. Parang mas younger version nga lang siya. Kaya lang, in love na agad siya sa isa pang housemate na si Miho.

Sayang. Sana maalagaan siya ng ABS-CBN. Mas cutify pa siya actua­lly kay Sam Milby na galing din ng PBB. Bongga ang abs, kumakanta at sumasayaw din si Tommy.

‘Yun nga lang mukhang in love agad sa ka-housemate na dalagang ina.

 

 

Show comments