Nakiusap si Jennylyn Mercado na ‘wag muna siyang tanungin tungkol sa iba niyang pelikula dahil presscon ‘yun ng Regal Entertainment movie na The Prenup nila ni Sam Milby.
Inalam kasi kay Jennylyn ang na-blind item na nagulat siya at natakot nang lapitan ni JM de Guzman sa shooting ng Walang Forever.
Sabi nito, walang ganoong nangyari, pero iba ang facial expression niya at para bang nagtatanong kung bakit nakarating sa press ang tsikang ‘yun.
Matipid din ang sagot nito nang kumustahin sa kanya si Jericho Rosales na ipinalit kay JM. Lalo namang ayaw niyang pag-usapan si Dennis Trillo na kapareha niya sa My Faithful Husband, pero walang naniwala nang sabihin niyang “single” siya at puwede siyang ligawan ni Sam Milby dahil pareho silang hindi taken.
Anyway, showing sa October 14 ang The Prenup sa direction ni Jun Lana at inamin ni Jennylyn na may pressure sa kanya dahil makukumpara ito sa English Only, Please pati ang box-office gross ng nasabing pelikula.
Isa sa magiging pang-engganyo ng The Prenup ang mga eksenang kinunan sa New York na pangarap marating ng maraming Pinoy. May eksena sa Times Square, Central Park, Staten Island, at iba pang scenic spots sa Big Apple.
Aljur inayawan ni Janine
Magsisimula nang mag-taping si Janine Gutierrez para sa pagbibidahang morning soap na ang title sa ngayon ay Dangwa o Dangwa Girl. Mapapanood ito this October, 11:00.a.m. bago mag-Princess in the Palace sa direction ni Adolf Alix Jr., at produced ng GMA News & Public Affairs.
Hindi kami sure kung itong Dangwa Girl ay the same project na pagtatambalan sana nina Janine at Alden Richards o baka ibang project na.
Ang una naming narinig, si Aljur Abrenica ang makakapareha ni Janine sa, pero ang bagong balita, guest lang dito si Aljur. Ibig sabihin, may iba pang makakapareha si Janine?