SEEN: Nagsimula nang umikot si Alma Moreno sa mga bayan ng Laguna. Si Alma ang isa sa mga senatorial bet ng partido ni Vice President Jojo Binay.
SCENE: Maling-mali ang akala na bashing victim ni Joey de Leon si Lea Salonga. Nag-react lang si Joey sa kababawan tweet ni Lea. Marami sa netizens ang hindi nakakaintindi sa tunay na kahulugan ng bashing.
SEEN: Itinanggi ni Sam Milby na hindi siya marunong manligaw ngunit inamin niya sa presscon ng The Prenup na anim na taon na siyang walang karelasyon.
SCENE: Umamin si Jennylyn Mercado sa presscon ng The Prenup na puwede siyang ma-in love kay Sam Milby kapag nagpursige ito sa panliligaw sa kanya. Nangangamoy pang-promo para sa kanilang pelikula ang mga pakilig na statement nina Sam at Jennylyn.
SEEN: Nasa Wikipedia na ang AlDub na may paliwanag na: AlDub (sometimes known as MaiDen) is a fictional super couple/power couple (or “love team” as it is known in the Philippines) from the noontime variety show Eat Bulaga. Its name is derived from a portmanteau of the tandem’s character names, namely Filipino actor Alden Richards, who portrays a fictionalized version of himself, and Yaya Dub (Divina Ursula Bokbokova Smash, a playful reverse-acronym of Dubsmash), portrayed by the Philippine’s Dubsmash queen and actress Maine Mendoza.
SCENE: Gustong malaman ng AlDub fans ang katotohanan sa kumakalat na balita na magkakaroon ng grand fans day sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Philippine Arena sa October 17.
SEEN: Hindi natapos sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang Sabado ang kick off ng month long 6th anniversary celebration ng It’s Showtime dahil live na mapapanood ito mula sa Biñan, Laguna sa October 3.
SCENE: Abala na si Glaiza de Castro sa rehearsals ng Dreams Never End, ang solo concert niya sa Music Museum na tinambakan ng maraming guests.
SEEN: Dinagsa kahapon ng mga kabit ang opening day sa mga sinehan ng Etiquette for Mistresses sa pag-asa na makaka-relate sila at may aral na matututunan mula sa pelikula ng Star Cinema tungkol sa mga other woman.