Hindi na bago ang mga balita ngayon aktor nabiktima rin ng laglag-bala modus sa NAIA!

May naalaala ako na insidente na nangyari noon dahil sa laglag-bala modus ng mga suspect na nagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Airport.
Isang aktor na malapit sa akin ang na-delay ang U.S. trip dahil may bala na nakuha sa bagahe niya. Takang-taka ang aktor dahil ang misis nito na aktres ang nag-empake ng kanyang maleta kaya napakaimposible na nagkaroon ng bala ng baril sa bagahe niya.

Frequent traveler ang aktor kaya alam niya ang mga do’s and don’t kapag bumibiyahe sa ibang bansa.
Nang pumutok ang balita noong nakaraang linggo tungkol sa laglag-bala gang sa itinuturing na one of the worst airport in the world at nang lumitaw ang mga biktima, bumalik sa alaala ko ang karanasan ng aktor dahil may possibility na laglag-bala victim din siya. Natakot siguro ang mga suspect na kotongan ang aktor dahil baka mag-ingay ito.

AiAi naudlot na naman ang pagpirma ng kontrata sa Regal

Hindi natuloy kahapon ang contract signing ni AiAi Delas Alas sa Regal Entertainment, Inc. dahil sa taping ng CelebriTV.

Ito ‘yung kuwento ko na invited ako sa contract signing pero hindi ako makakadalo dahil sa taping para sa aming Saturday afternoon show sa GMA 7. Tama lang na nakansela ang contract signing ni AiAi dahil nakakalokang isipin na available siya kahapon at hindi ako puwede eh magkasama kami sa CelebriTV. It’s kinda unfair ‘di ba?

Ilang guro adik na rin sa social media, may mga nalilimutang ituro

Alarming naman talaga ang pagiging ignorante ng mga kabataan ngayon tungkol sa mga bayani ng ating bansa.

Si Epy Quizon ang gumanap na Apolinario Mabini sa Heneral Luna at para magtanong ang mga estudyante kung bakit palaging nakaupo siya sa kanyang mga eksena, may dapat ipaliwanag ang mga teacher nila.

Baka nakakalimutan na ng mga guro ang mga kuwento tungkol sa buhay ng mga bayani ng Pilipinas. Baka katulad na rin sila ng kanilang mga estudyante na addict sa social media at sa modern technology.

At para sa mga mangmang na hindi alam na lumpo si Mabini, gamitin ninyo ang inyong mga iPad at computer sa research ‘no! One click away lang ang mga impormasyon na hindi ninyo nalalaman dahil puro Facebook, Twitter, Instagram, at kung anik-anik pa ang inaatupag ninyo.

Sa may golf course Vic at Pauleen sa Laguna nagpapatayo ng mansyon

Somewhere in Cabuyao City sa Laguna ang bahay na ipinatatayo nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Ang Laguna house ang magiging lovenest nina Bossing at Pauleen kapag ikinasal na sila. Parte ng isang sikat na golf course ang bahay na ipinagagawa ng mag-dyowa bilang mahilig maglaro ng golf si Bossing.

Hindi itinatanggi ni Pauleen na nagpapagawa sila ni Bossing ng bahay dahil ito ang ikinuwento niya sa kanyang mga katsikahan nang magpang-abot kami sa PNP Custodial Center noong September 25, ang araw na dinalaw namin ang birthday boy na si Senator Bong Revilla, Jr.

At least, may sarili nang bahay na uuwian sina Bossing at Pauleen pagkatapos ng kasal nila.

Hindi ko talaga alam ang actual wedding date nina Bossing at Pauleen. Narinig ko nang magtanong si Bong kay Pauleen kung kailan ito magpapakasal kay Bossing. Hindi ko narinig ang sagot ni Pauleen dahil bumulong ito kay Bong. Afraid yata siya na marinig ko ang sasabihin niya dahil baka itsismis ko.

Show comments