MANILA, Philippines – Sa pagpapatuloy ng Beautiful Strangers, magiging laman ng balita ang pagsampa ng kaso ni Joyce (Lovi Poe) kay Ronaldo (Christopher de Leon). Dahil doon, ay masasaalang-alang ang kandidatura ni Alejandra (Dina Bonnevie). Magpaplano si Alejandra ng hakbang para mapunta sa kanya ang simpatya ng mga tao.
Sa pag-usad ng kaso laban kay Ronaldo, magbibigay ng testimonya si Joyce sa piskal. Matapos nito ay magbibigay din ng testimonya si Kristine (Heart Evangelista) para sa kanyang ama. Pinagtibay niyang may diperensya nga si Joyce sa utak nang makilala niya ito. Pinasinungalingan din niya ang bintang na may kinalaman si Ronaldo sa anumang nangyari kay Joyce.
Kikilos din si Alejandra para hindi magtagumpay si Joyce. Alejandra blackmails the fiscal para hindi matuloy ang kaso laban kay Ronaldo. Panghihinaan ng loob si Joyce dahil posibleng hindi niya makuha ang inaasam niyang katarungan.
Hindi matanggap ni Joyce ang naging desisyon ng piskal sa kaso niya laban kay Ronaldo. Gagatungan pa ni Alejandra ang galit ni Joyce. Ipagdidiinan ni Alejandra na baliw si Joyce. Sa sobrang galit ay magwawala si Joyce.
Susugurin at sasaktan niya si Alejandra. Darating ang mga media reporters kasama ni Hannah (Djanin Cruz). Makukunan ang pagsugod ni Joyce kay Alejandra. Aarte si Alejandra na parang siya ang biktima sa sitwasyon.
Samantala, masaya si Lourdes (Ayen Munji-Laurel) sa mga pangyayari dahil nalinis na ang pangalan ni Ronaldo ngayong mas sira na ang reputasyon at kredibilidad ni Joyce. Makakaramdam ng guilt si Ronaldo dahil sa pinaninindigan niya ang kasinungalingan para ‘di mawala sa kanya si Kristine at Lourdes.
Mapapanoond nina Joyce at ng kayang pamilya ang eskandalong nangyari sa kanila ni Alejandra. Pero palaban si Joyce at gagawa siya ng paraan para mabawi ang nasirang kredibilidad. Magpapainterview si Joyce sa media para ipahayag sa publiko ang kanyang kuwento.