Dahil sa ginawang deklarasyon ni Sheryl Cruz, kung anu-ano nang motibo ang sinasabi nilang dahilan ng kanyang ginawang pagsasalita. Merong nagsasabi na ginawa lamang niya ito para sa kalaban ng kanyang pinsan. Meron din namang nagsasabi na may ambisyon siya na pumasok din sa pulitika.
Ano ba talaga ang totoo, Sheryl? Hindi mo ba pinagsisisihan ang ginawa mo?
Sana it’s worth all your troubles ang ginagawa mo. Pero paano ba ‘yan, pati raw mommy mo ay ipinagtatanggol at kampi rin kay Sen. Grace Poe na ayaw na ayaw mo.
Vice Ganda may gustong patunayan
I’m sure kahit paano ay may naramdamang hindi maganda ang asawa ni Karylle sa paghahalikan nila ni Vice Ganda. Bakit ba naman kasi ito nangyari, eh alam naman ng lahat na bakla si Vice Ganda.
Ano ba ang gusto niyang patunayan? Mali na naman dito si Vice dahil marami ang na-turn off sa kanya. Wala namang choice si Karylle dahil sinorpresa lamang siya ng kanyang ka-‘loveteam’.
Seguridad ni Alden ginagastusan ng malaki
Mukhang magagastusan nang husto kundi man ang kampo ni Alden Richards ay ang TAPE, Inc. at GMA Artists Center na siyang sasagot sa security niya.
Hindi na maiwasang hindi masaktan ni Alden kapag lumalabas siya dahil sa mga taong dumudumog sa kanya. Sa totoo lang, magastos kumuha ng kahit isang guard, ‘yung grupo pa kaya?
Sino kaya ang sumasagot sa gastos nito?
Janine hindi puwedeng lagi na lang kay Elmo
Poor Janine Gutierrez, hindi na si Alden Richards ang makakasama niya sa bago niyang programa. Lubhang napakaabala nito ngayon para ma-accommodate ang programa nila.
Kaya ngayon ay naghahanap ng bagong makakapareha ng aktres. Hindi naman pwedeng sila na lang palagi ni Elmo Magalona ang pair, mao-over expose naman sila.
Para kay Alden naman, hindi siya maaring itambal sa iba dahil masisira ang AlDub nila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub.