Pelikula ni Vilma nahanapan ng title na galing sa kanta

Tama ba ang narinig naming All of My Life ang title ng bagong pelikula ni Batangas Gov. Vilma Santos sa Star Cinema?

Nang ma-interview siya a few weeks ago sa shooting ng movie, wala pa siyang masabing title.

Si Kyla raw ang kakanta ng theme song ng kung saan bida rin sina Xian Lim at Angel Locsin.

Fan ni Gloc-9 nagtiis maglakad para makabili ng ticket sa concert

Pinost ni Gloc 9 sa Instagram (IG) ang post ng isa niyang fan na nag-effort para makabili ng tiket para sa first major, 18th anniversary at birthday concert niya. Hindi alam ng fan ang Music Museum, kaya nagkaligaw-ligaw ito, naglakad ng malayo at nang finally makabili ng tiket ay sobra ang tuwa nito.

Kaya sinagot siya ni Gloc-9 ng “Parang ako ang nakakuha ng SUPER VIP ticket nung nakita ko ang post na ito. Maraming Salamat at see you sa show.”

Ngayon lang magkakaroon ng major solo concert si Gloc-9 dahil wala sa wish list niya ito at masaya nang naggi-guest sa concert ng ibang singers. Pero nabigyan siya ng chance na magkaroon ng major solo concert at nataon pang birthday at 18th anniversary niya kaya wala na siyang rason para tumanggi pa .

Billed Ang Kwento ng Makata ang concert ni Gloc-9 at mag-i-enjoy ang fans sa rami ng guests niya gaya nina Regine Alcasid, Bamboo, Aiza Se­guerra, Rico Blanco, Julie Anne San Jose, Marc Abaya, Ebe Dancel, Chito Miranda, Janno Gibss, Yeng Constantino, Jay Durias, Jennylyn Mercado, Jolina Magdangal, Migz Haleco Jonalyn Viray, Ogie Alcasid at iba pa.

Gabby dagdag panahog sa Beautiful Strangers

Bagong dagdag sa cast ng Beautiful Strangers si Gabby Eigenmann bilang si Gani. Hindi nga lang nabanggit ni Rocco Nacino na nag-post ng picture nilang dala­wa kung ano ang role nito. Nag-ta­ping na si Gabby at sa na-post na picture, mukhang nag-iinuman sila ni Rocco.

Abangan na lang si Gabby sa mga dara­ting na episodes at tiyak na makikipagsaba­yan siya sa husay ng acting ng cast.

Hen. Luna lumagpas na sa P150-M ang kita

Humahataw sa box-office ang Heneral Luna. May countdown na para maabot ang P200-M gross na break even lang sa Artikulo Uno Productions. Sana ganun din ang mang­yari sa next movies nilang Gregorio del Pilar at Manuel L. Quezon.

Nalagpasan na ang P150-M mark and as of clo­sing last Monday, kumita na ng P152,141,572.00, kaya ilang araw pang showing ay maaabot na ang P200-M.

Payo lang sa manonood ng Hene­ral Luna, alamin muna ang history ni Apolinario Mabini para hindi nagtatanong kung bakit laging nakaupo ang karakter nito na gina­gampanan ni Epi Quizon. Nakakahiya naman kay Apolinario Mabini na hindi ninyo alam ang naging buhay niya.

Aliw ang tawag sa mga sumuporta sa He­ne­ral Luna na Lunatics ang tawag sa kanilang sarili at dumarami sila araw-araw. Pinupuri nila ang pelikula na pinagbibidahan ni John Arcilla at sa direc­tion ni Jerrold Tarog.

Show comments