Kamakailan ay naospital si Claudine Barretto pero hindi raw dapat mabahala ang kanyang mga tagahanga dahil bumubuti na ang kanyang pakiramdam ngayon. “I’m feeling better but I’m still sick. No’ng una UTI talaga raw. Nagkaroon ako ng fever so pagka-check-up sa akin, when they got the tests, it was UTI. No’ng nag-ultrasound na, nalaman na may cyst pala ako. Tapos nag-rupture siya so ‘yung pain was really unbearable,” kuwento ni Claudine.
Hindi pa man lubusang magaling ay kinailangan daw lumabas ng aktres mula sa ospital para sa promotions ng pelikulang Etiquette for Mistresses na palabas na ngayon sa mga sinehan.
“Kailangan ko na lumabas ng hospital kasi may Showtime and may mall tours. Siyempre kailangan work na muna, gusto ko talaga makapag-promote kasi this is my comeback film. Sabi ko nga, bakit ngayon pa ako nagkasakit kung kailan promo and all. Then again, at least ‘yung pain ko bearable na siya ngayon,” pagbabahagi ni Claudine.
Muli raw babalik ang Optimum Star sa ospital upang masiguro na mabuti na ang kanyang kalagayan. “They are still going to check kung meron pang mga cyst. Hindi ko nga alam kung bakit nag-rupture kasi the whole time I was in the hospital, I was given heavy pain meds na pang-operation na talaga. Habang ini-explain sa akin na may dalawang cysts ako na nag-rupture, hindi ko na masyado naiintindihan,” pagtatapos ng aktres.
Arron ayaw makisawsaw sa problema ni JM
Masayang-masaya si Arron Villaflor dahil naging bahagi siya ng teleseryeng All of Me na pinagbibidahan nina JM de Guzman, Albert Martinez, at Yen Santos. “Kasi ang ganda ng feedback ng mga viewers sa All of Me. Ang taas ng ratings namin. We’re happy and the management is happy about it,” bungad ni Arron.
Napababalitang magtatapos na diumano ang nasabing serye pero pinabulaan ito ng aktor. “I guess marami na ring nakakaalam. First of all, our show will last pa, matagal pa. Kasi marami akong issue na naririnig at nakikita na puputulin na daw nila ‘yung All of Me by January or earlier pa. Sabi ko huwag naman kasi ang ganda ng ratings eh,” giit ni Arron.
Umaasa ang binata na magiging maayos ang sitwasyon nila sa set lalo na sa mga isyung kinasasangkutan ni JM ngayon. “We’re trying our best to understand everything with JM. Kasi ang bigat din eh, now yata nag-break sila ni Jessy (Mendiola), tapos nawalan siya ng movie. We’re trying, siguro nasa stage kami ngayon ng pag-iintindi sa kasamahan namin na si JM. Kasi sayang lang din eh, he’s doing well naman. It’s just na marami siyang problema. Sometimes hindi mawala sa set na dinadala niya ‘yung problema niya sa set,” kwento ni Arron.
“Before I always talked to him. Ngayon na parang may pinagdaraanan siya na problems, hangga’t maaari intindihin ko na lang din. I don’t want to get into his problems kasi that’s his personal life eh. I want to help but I guess right now he want to fix it for himself,” dagdag pa niya.