O, akala ko ba ay walang kakabog sa AlDub tandem? Eh bakit sinisimulan na ang pag-assassinate kay Angelica Yap aka Pastillas Girl sa pamamagitan ng paglalabas ng samu’t saring kasiraan kabilang na ang masasamang ugali raw nito at hindi kagandahan ng pagkatao.
May nagpapaimbestiga na rin sa kanya at sa programa na nakatagpo ng isang magandang segment sa pamamagitan niya. Sa nakikita naman ng lahat hindi pa lumilihis ang programa sa mga regulasyon na itinakda ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Isa lamang itong simpleng dating game. Porke ba nagsisimula nang kagiliwan ito ng manonood ay tatawagin na nilang isang uri ng pambubugaw?
Oh come on, ang layunin ng programa ay ihanap lamang ng boyfriend si Miss Pastillas. Ganun lang kasimple, pero ang mga may pinapaborang pareha ay agad nang natakot na baka nga naman sila masimplehan ng bagong segment. Eh wala naman silang dapat ipangamba dahil milyun-milyon na ang tweets para sa mga idolo nila. Mahirap na itong habulin ng mga kalaban.
Kaya nakapagtataka kung bakit binigyan ng hindi magandang kulay ang paghahanap kay Mr. Pastillas. Mga disente naman ang mga nagpiprisinta na kung hindi mag-aaral ay mga nagtatrabaho na. Hindi naman tinuturuan ng show ang babae kung sino ang pipiliin niya, sa mga nanliligaw sa kanya.
Isa lang akong ordinaryong manonood ng mga programa sa TV na isinusulat ang aking mga napapanood. Sorry na lang kung may hindi ako magustuhang palabas at binibigyan ko ng aking opinyon, pero lahat ng isinusulat ko ay base sa aking napapanood lamang.
Paghalik ni Vice kay Karylle, hindi na sana kailangan
Achieve talaga ‘yung ginawa ng Kapamilya Network na pagsama-samahin sa iisang stage ang tatlo sa pinakamalalakas nilang loveteam, namely KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil), at JaDine (James Reid-Nadine Lustre). Obvious na may pinakamaraming fans sa tatlo ang tambalang KathNiel. Pero ang hindi sukat akalain ay ang biglang pag-angat ng JaDine at naunahan pa ang LizQuen siguro dahil walang palabas ngayon sina Liza at Enrique samantalang patok na patok ang On The Wings of Love nina James at Nadine.
Siguro kapag nagkaro’n ng bagong palabas ang LizQuen ay magawa na nilang makipagsabayan muli sa dalawang mas malalakas na pareha.
Siya nga pala, gusto kong sabihin na ‘yung ginawang paghalik ni Vice Ganda kay Karylle sa labi ay hindi na kailangan. Hindi masasabing maganda dahil hindi naman siya lalaki, so bakit pa niya ginawa? Hindi naman siguro ‘yun makakadagdag sa viewers ng It’s Showtime. At talaga bang dedma lang si Yael Yuson du’n?
Kim nagbalik-tanaw sa pang-aahas ni Maja
Kung hindi pa nag-guest si Kim Chiu sa Gandang Gabi Vice ay hindi pa malalaman ng lahat ang kinahantungan ng pakikipagrelasyon niya kay Gerald Anderson, ang one and only na naging boyfriend niya.
Of course hindi naman kaila sa lahat na nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Gerald at Maja Salvador na nagsimula habang karelasyon pa ng aktor si Kim. What made the matter worst ay mag-best friend sina Kim at Maja.
Malungkot at nakapanghihinayang hindi lamang ang pagtatapos ng romansa nina Gerald at Kim kundi maging ang pagkakaibigan nina Kim at Maja.
Naka-move na si Kim from her separation with Gerald. Nagkapatawaran na rin sila ni Maja, pero obviously it will take more time para maibalik ang kanilang friendship, kung makakaya pang ibalik ito.
Meanwhile, mas okay na si Kim sa kanyang forever loveteam na si Xian Lim. It seems na mas lumalim na ang relasyon nila. Kulang na lang marahill ang pagsasabihan nila ng I love you at maituring na silang isang tunay na couple, in reel and real life.
Kim will surprise every moviegoer with her role as a mistress sa Etiquette For Mistresses. Ayaw niyang gawin ang role nung una dahil sa kanyang pagiging maka-Diyos daw niya but Kris convinced her na magpaka-mature at umalis na sa kanyang comfort zone para maipamalas ang kanyang pagiging isang tunay na artista. Sinundan ng marami ang kanilang Must Date the Playboy na ginawa para lang sa ABS-CBN Mobile. Ngayon ay gagawan na ito ng ABS-CBN ng movie version para mas marami pa ang makapanood.
Heneral Luna nakabawi na sa puhunan
Kung hindi pa dahil sa FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards night ay hindi pa malalaman ng publiko na ang mga taong nasa likod ng Heneral Luna ay siya ring nagprodyus ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo na humakot sa katatapos na awards night kasama na ang Best Picture at Best Director.
Kaya naman pala kumain ng kulang-kulang sa P100-M na budget ang pelikula na nabawi na ng mga prodyuser sa rami na nanood ng pelikula via word-of-mouth. Dahil dito, makakagawa pa sila ng mga kasunod na pelikula na maaaring maipagmalaki ng bansa.