Richard napapabayaan na naman sa kusina

Nakita ko si Richard Gutierrez sa awards night ng FAMAS. Gwapung-gwapo pa rin siya. Pero kung mag-aartista pa rin siya ay kailangan niyang mag­bawas ng timbang.

Mukhang napapabayaan na niya ang sarili niya sa kusina!

Local movies ayaw pa rin tantanan ng mga pirata

Kawawa naman ang prodyuser ng ma­ra­ming pelikula na napapanood kahit na sa mga bus, gayung wala pa itong kopya sa video tulad ng He­neral Luna. Wala bang magawa rito ang anumang ahensya ng gobyerno para mapigilan ang patuloy na pamimirata ng ating mga lokal na movies na sa mga bus na lamang ipinapalabas?

Sayang ang mga ginagastos ng mga prodyu­ser kung libre lamang na napapanood ang marami nating pelikula.

Tama na ang parinigan at awayan

Sa halip na mag-away-away ang mga mano­nood ng dalawang pangtanghaling programa ng magkalabang Dos at Siete ay magpasalamat na lang sila dahil kuha nila ang pagtangkilik ng ma­nonood.

Tama na ‘yang parinigan at magkasya na lang sila sa pagpapaganda ng programa nila. In the end ay ang pinakamagandang may offer sa manonood ang panalo.

Show comments