Lumang style ng ligawan ng AlDub, pinahalagahan ng CBCP

Nakatakdang parangalan ng CBPC (Catholic Bi­shops Conference of the Philippines) sa darating na Catholic Social Media Summit na gaganapin on October 10 & 11 ang AlDub ng Kalye­ser­ye ng Eat Bulaga dahil sa pagpapalaganap nito ng moral values sa kasalukuyang henerasyon.

Kahit sa pag-akyat ng ligaw ni Alden Richards kay Yaya Dub (Maine Mendoza) sa mansion ng Explorer sisters na binubuo nina Lola Ni­­do­ra (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo), at Lola Tidora (Pao­lo Balles­teros), ipinakita pa rin dito ang makalumang paraan ng pag-akyat ng ligaw ng isang lalaki sa bahay ng dalaga na bihira nang mangyari sa panahon ngayon.

Kahit comedic ang approach ng Kalyeserye dahil sa presence at cha­rac­ters na ginagampanan nina Wally, Jose, at Paolo, hindi pa rin nawawala ang mga pangaral ni Lola Nidora na siya namang sinusunod ng masunu­ring sina Alden at Yaya Dub.

Nakita rin kina Alden at Yaya Dub ang pagiging totoo sa kanilang nararamdaman kahit ina-act out lamang nila ang kanilang respective characters.

Ipinapakita kasi nina Alden at Maine ang pa­gi­ging magandang ehemplo para sa mga kaba­taan kaya sila napamahal sa publiko at sa kanilang mga fans.

Pink Festival ng QC nakalatag na

Dahil sa malaking tagumpay ng kauna-una­hang Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) noong nakaraang taon na gi­­na­­nap sa Tri­noma Cinema, nakalatag na rin ang ikalawang festival nito na gaganapin naman sa Gateway Cinema sa Araneta Center, Cubao Quezon City simula October 9 at magtatapos on October 11, 2015. Ito’y inorganisa ng Quezon City Pride Council bilang bahagi ng Diamond Jubilee celebration ng siyudad ng Quezon City.

Kaalinsabay ng pagpapalabas ng 2nd Quezon City International Pink Film Festival ay ang pagpasa ng makasaysayang Gender Fair Ordinance ng Quezon City Council.

Personal…

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay na naulila ng aming kasamahan sa panulat na si Emy Abuan na sumakabilang-buhay noong nakaraang Sabado ng hapon sa Philippine Lung Center sa ganap na ika-5:35 ng hapon.

Ang mga labi ni Emy ay nakaburol sa Arlingtong Memorial Chapel along Araneta Avenue, Quezon City.

Show comments