Jericho tanggap na pamalit lang kay JM

Si Jericho Rosales na raw ang papalit kay JM de Guzman para sa pelikulang Walang Forever na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Wala raw naging problema kay Jericho kahit naging second choice na lamang siya para sa nasabing proyekto. “I really don’t mind kung second choice or third choice ako. As long as the project is fit para sa akin and I know that I can do a good job in playing a role,” bungad ni Jericho.

“Uso ngayon ang walang forever. Sikat na sikat ngayon ang hashtag na ‘yan. So sabi ko papatulan ko nga itong walang forever na ito, tingnan natin kung walang forever,” dagdag pa ng aktor.

Posibleng ang pagiging abala raw ni JM sa teleseryeng All of Me ang naging dahilan sa pagkakatanggal ng aktor sa pelikula. “I know that JM is very busy with his soap. Ako rin gano’n ang buhay ko kapag may soap ako. Hindi ako nakatatanggap ng pelikula kasi mahirap talaga,” giit ni Jericho.

Si Jennylyn Mercado ang katambal ng aktor sa romantic-comedy film na ito. “Super bubbly person. I watched her film English Only, Please. She was so cute in the movie. So sabi ko, ‘Wow! Perfect!’ Super happy ako sa project na ibinigay sa akin,” nakangiting pahayag ng aktor.

Gabby game nang makipaglaplapan kay Sharon

Umaasa pa rin si Gabby Concepcion na matutuloy ang napababalitang reunion project nila ng dating asawa na si Sharon Cuneta. “Matagal na nga ang balitang ‘yan pero hanggang ngayon hindi pa rin matuloy-tuloy. Ako nga rin naiinip na. I’m from the inside pero I look at myself also na parang from the outside. Gusto kong makita ‘yung movie na ‘yon. Kung ano ‘yung content at kung paano tatanggapin ng fans. Meron kaming followers na nandoon pa rin, na naghihintay lang ng project. ‘Yung tipong Richard (Gomez) and Dawn (Zulueta). So ako, I’m also a hopeful fan ng aming team-up. Sana mangyari nga,” nakangiting pahayag ni Gabby.

Kung sakaling matutuloy na ay kaya raw gawin ng aktor ang lahat para mapaganda ang gagawing proyekto. “Lahat na naman ng nagawa namin dapat sa pelikula, palagay ko nagawa na namin. Kasi ako just like KC (Concepcion), medyo adventurous ako sa mga roles. I don’t play mga goody-goody roles lang. Gusto ko is ‘yung offbeat pa nga. I don’t want to be identified as the boy next door eh. I want to be identified sana as an actor eh and that’s my job. So I do any role that’s thrown to me,” paliwanag ni Gabby.

Nakahanda na rin kaya ang aktor sa kissing scene kung sakali mang magtambal muli sila ng Megastar? “Kahit na ano, ha-ha-ha! Eh siya ba? Okay lang kaya sa kanya ‘yon?” natatawang pagtatapos ng aktor.

Show comments