Hindi man nagtagumpay ang bilihan noon ng GMA at ng mga business tycoons na sina Manny V. Pangilinan at Ramon Ang, matunog ang balita na mukhang shoo-in na ang deal sa pagitan ng GMA bigwigs at ng isang kilalang politician-businessman.
Isang mapagkakatiwalaang source ang nagpaabot sa amin ng balita na pirmahan at bayaran na lamang ang naghihintay sa magkabilang-panig na nakatakdang mangyari any day soon.
Since malaking business transaction ito, hindi ito magiging lingid sa kaalaman ng publiko. Sooner than later ay tiyak na lalabas at sasabog din ang balitang ito. Hindi naman kami magtataka sa bilihan dahil sobrang yaman at napakalaki ng network ng businessman-politician na ito at na-outbid niya ang kanyang dalawang predecessors na sina MVP at G. Ramon Ang.
JM wala nang pag-asa ang career pag ‘di pa nagbago
Ano na naman kaya ang problema ngayon ng mahusay na actor na si JM de Guzman? Totoo kaya ang aming naririnig na balik na naman daw ito sa dating gawi at marami siyang mga kasamahan ang ayaw na siyang makatrabaho dahil sa ipinapakita umano nitong unprofessionalism?
Bagong simula pa lamang ang kanyang teleserye na All of Me sa ABS-CBN pero namumuro raw ito na matanggal sa nasabing serye. Pinalitan na rin siya sa kanyang MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na pagtatambalan sana nila ni Jennylyn Mercado under Quantum Films. Sa halip na magkaproblema ang pelikula ay pinalitan na lamang ng producer na si Atty. Joji Alonzo si JM kay Jericho Rosales who is a bigger and better actor than JM.
Marami rin ang nagsasabi na may pinagdaraanan din ngayon ang relasyon ng nagkabalikang magkasintahang JM at Jessy Mendiola. Although personal nang pinabulaanan ni Jessy na hiwalay na sila ni JM, marami ang naniniwala na may problema ang kanilang relasyon base na rin sa mga messages nito na naka-post sa kanyang Twitter account.
Kapag hindi tuluyang magbago si JM, mahihirapan na siyang makabalik muli at mababalewala ang magandang chance na muling ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang home studio.
Nega rin ang dating ng kanyang paghahamon ng away sa Kapamilya actor na si Enrique Gil dahil sa ginawa nitong “pambabastos” umano sa kasintahan nyang si Jessy Mendiola habang sila’y nasa loob ng eroplano on their way to London for their ASAP show.
Samantala, marami ang naniniwala (including this writer) na mauuwi sa totohanan ang “love affair” ng AlDub sa kalyeserye.
Kung sunud-sunod ang mga product endorsements nina Alden at Maine, may endorsement na rin si Lola Nidora na ginagampanan ni Wally Bayola na sobrang husay sa hit kalyeserye.