SEEN: Ang Facebook post ni Vice Ganda tungkol sa grand kick off ng 6th anniversary month long celebration ng It’s Showtime sa Araneta Coliseum noong Sabado: Maraming maraming salamat po sa lahat ng Madlang People, Little Ponies at mga Kapamilya (dito sa Araneta at sa kani-kanilang tahanan) na tumutok sa It’s Showtime!
Thank you din sa lahat ng nakisali sa Twitter Party at nagpa-trend sa #ShowtimeKapamilyaDay with 6.33M REAL and ORGANIC TWEETS. Patunay lamang na TOTOOng pinag-usapan sa social media ang itsshowtimeofficial_ig at mga Kapamilya Stars na naging bahagi ng ANIMversary Kick-off ng programa. Maraming Salamat, mga Kapamilya!
SCENE: Nagtagumpay si Vice Ganda na makuha ang atensyon ng mga tao dahil kinukuyog siya ngayon ng mga kumokontra at nagagalit sa kanyang pahayag. Negatibo ang lahat ng mga komento sa Facebook post ni Vice Ganda.
SEEN: Tapos na ang mga araw ng humble bragging ni Vice Ganda dahil nakikilala na ng mga Pilipino ang kanyang tunay na ugali.
SCENE: Nais malaman ng mga tao ang reaksyon ni Yael Yuzon sa pagnanakaw ni Vice Ganda ng halik sa labi ng kanyang misis na si Karylle. Nakikisimpatiya kay Yael ang mga nabastusan sa ginawa ni Vice dahil hindi nito binigyan ng respeto ang asawa ni Karylle.
SEEN: Kinilala si Batangas Governor Vilma Santos-Recto bilang The Queen of the Province of Batangas sa Royal Enthronement Ceremony na ginanap noong September 26.
SCENE: Kasama ni Arnell Ignacio sa kanyang biyahe sa South Korea ang boyfriend na si Ken El Psalmer.