Sa totoo lang, ang dami-dami nang nakikisakay sa popularity ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub at ng kalyeserye ng Eat Bulaga.
‘Yung mga artista na type na mapag-usapan, may-I-comment lang ng nega tungkol sa AlDub, talk of the town na. Wala silang kahirap-hirap dahil kumbaga sa laway, ang social media lang ang puhunan nila, pinag-uusapan na agad.
Wala akong mga name na sasabihin ‘no! Knows nila kung sino sila. Gagayahin ko si Lea Salonga na walang binanggit kung kanino patungkol ang kanyang tweet na may kinalaman sa kababawan. Wa ko mention ang name ng mga artista na nakikisawsaw sa AlDub phenomenon dahil magpapakababaw ako! Walang monopolya ang sinuman, kahit si Lea Salonga, sa mga kababawan ‘no!
Kaya umuuwi sa Laguna, Alden ‘di sanay matulog na ‘di kapiling ang lola
Naikuwento sa PM (Pang-Masa) column ko na nakilala ko na ng personal si Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Isa lang ang masasabi ko, hindi mababaw na tao si Yaya Dub at naging basehan ko ang kanyang mga kilos at pananalita.
Pasado na role model ng mga kabataan si Yaya Dub dahil college graduate siya at mula sa disenteng pamilya.
Pareho sila ni Alden Richards na napakadisente rin kaya paborito sila ng mga Eat Bulaga host.
Parang mga tunay na anak ang trato nina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon kina Alden at Maine.
Saksi ako sa concern ni Papa Joey kay Alden nang umapir ito sa pilot episode ng CelebriTV. Talagang nag-alala si Papa Joey nang malaman nito na walang driver si Alden nang araw na ‘yon. Nag-worry si Papa Joey dahil pagod na si Alden sa mga showbiz commitment nito pero siya pa rin ang nagmamaneho ng sasakyan, pauwi sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna.
May half-way house si Alden sa Quezon City at ang dinig ko, mas gusto niya na umuuwi sa Laguna dahil hindi siya sanay na matulog sa ibang lugar, maliban sa sariling bahay at siyempre, para kasama niya ang kanyang lola.
Heneral Luna palabas na sa mga public bus ang pirated version, tickets sa Felix Manalo mabibili na
Ngayon na pala ang umpisa ng advance ticket selling para sa opening day ng Felix Manalo sa October 7.
Pinagbigyan ng Viva Films ang request ng moviegoers na advance ticket selling para makaiwas sila sa mahabang pila kapag nagbukas sa mga sinehan ang filmbio tungkol sa First Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo.
Masigla ngayon ang local movie industry dahil matatalino na ang Pinoy moviegoers. Tinatangkilik na nila ang magagandang pelikula tulad ng Heneral Luna na extended ang showing, patuloy na pinipilahan at all seats taken ang mga sinehan.
May nakapagsabi sa akin na kasing-ganda ng Heneral Luna ang Felix Manalo kaya malaki ang tsansa na pumasa sa panlasa ng intelligent moviegoers, miyembro man o hindi ng Iglesia Ni Cristo, ang coming soon movie ng Viva Films.
How sad lang na biktima agad ng film pirates ang Heneral Luna dahil showing sa isang public bus ang pirated copy ng pelikula.
Hindi puwedeng mag-deny ang bus operator, driver, at konduktor dahil hawak ng mga pasahero ang picture na pruweba ng paglabag nila sa batas ‘no!
Panahon na uli para mag-imbestiga ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at gawin uli ng mga opisyal nito ang pag-akyat sa mga bus na pumapasada para maturuan ng leksyon ang mga film pirate at driver na nagpapalabas ng pirated movies.