^

PSN Showbiz

Sheryl parang nag-suicide!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hin­di pa rin lubos maisip ng marami kung bakit nagpahayag ng oposisyon ang singer-actress na si Sheryl Cruz na may kinalaman sa pagtakbo sa pagka-pangulo ng kanyang pinsang si Sen. Grace Poe considering na close sila sa isa’t isa.

Bukod kay Sen. Grace at sa pamilya nito, mas sinak­tan ni Sheryl ang damdamin ng kanyang tiyahin at tumatayong pangalawang ina, ang movie queen na si Susan Roces, nakatatandang kapatid ng ina ni Sheryl na si Rosemarie Sonora na matagal nang naka-base sa Amerika.

Malalim ang sugat na nilikha ni Sheryl sa mag-inang Susan at Sen. Grace at natitiyak namin na kahit mismo ang nakatatandang kapatid ng actress na si Renzo Cruz ay nabigla sa ginawa nito. Kahit siguro ang ina ni Sheryl na si Rosemarie na nasa Amerika ay nagulat din  marahil sa ginawa ng kanyang kaisa-isang anak na babae sa yumaong actor na si Ricky Belmonte.

Pero kung anuman ang motibo ni Sheryl sa kanyang ginawa, siguradong nakahanda siya sa ma­gi­ging consequence nito lalo na pagdating sa kanyang karera.

Hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag ang kanyang (dating) manager na si Rams David na bumitaw sa kanya.

Dahil sa ginawa ni Sheryl, naglabasan tuloy nga­yon ang ilang isyu at katanungan ng marami kung bakit hindi nito sinipot ang libing ng kanyang nama­yapang ama na si Ricky Belmonte o kahit nadalaw man lamang nung ito’y kasalukuyang may sakit.

Kung karamihan ay mga kontrabida roles ang ginagampanan lately ni Sheryl sa iba’t ibang teleserye, mukhang kontrabida na rin ang kanyang dating sa mas nakararami sa ginawa niyang pag-alis ng suporta kay Sen. Grace Poe.

Paano kung si Sen. Grace Poe ang maluklok na pangulo?  Ano raw kaya ang masasabi ni Sheryl?

Tila nag-suicide raw si Sheryl sa kanyang ginawa dahil tiyak daw ito’y magbu-boomerang sa kanya.

Tito, Vic & Joey kilig na kilig sa ligawan

Isa kami sa milyun-milyong tumutok kahapon (Saturday) sa Eat Bulaga sa muling pagtatagpo ng pinakamainit na loveteam ngayon sa buong Pilipinas at maging sa iba’t ibang parte ng mundo, ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub na pinayagan na ni Lola Nidora (Wally Ba­yola) na dalawin si Yaya Dub sa kanilang mansion.

Ang nakakatuwa, hindi lamang ang mga manonood sa loob at labas ng studio ang kinilig sa muling pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub kundi maging mismo ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga na pinangungunahan nina Tito, Vic & Joey.

Sa totoo lang, mukhang mauuwi sa totohanan ang kanilang ‘love affair’ sa kalyeserye ng AlDub kung ang kanilang mga paningin sa isa’t isa ang pagbabasehan.

Bago pa man ang pagdalaw ni Alden kay Yaya Dub sa mansion ni Lola Nidora ay inawit na ni Alden ang tila theme song niya para kay Yaya Dub, ang sarili niyang version ng Bryan White 1999 hit song na God Gave Me You at hindi napigilan ang umiyak sa sobrang kasiyahan at excitement na finally ay makikita na niya upclose ang kanyang split screen loveteam.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

AMERIKA

ANG

EAT BULAGA

GRACE POE

KANYANG

LOLA NIDORA

RICKY BELMONTE

SHERYL

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with